07/06/2022
Ang daming rejections!!! Worry not.
Normal yan kasi una hindi ka nila mauunawaan.
Normal yan kasi wala sila ng gift of vision na ibinigay syo ni Lord kaya hindi nila nakikita ang mga magagandang future na nakikita mo habang ginagawa mo ang negosyo.
Normal yan kasi, 90% ng mga pilipino, naka mindset maging empleyado kaya takot mag negosyo.
Normal ang ma reject kasi naninibago sila syo na isang araw mula sa pagiging ordinaryong tao, ngayun isa ka ng ganap ng entrepreneur, isang negosyante.
Normal yan, kasi wala pa silang nakikitang resulta syo sa ginagawa mo.
Pero magpatuloy ka, tibayan mo ang loob mo, mag aral ka, magpaka dalubhasa sa iyong ginagawa para magka resulta ka at hayaan mong sumigaw ang iyong resulta.
Sa simula sasabihin nilang hindi mo nagagawa yan... pero pag nagpatuloy ka, nagka resulta, isang araw balang araw ang sasabihin na nila paanu nya nagawa yan?
Kasi ang greatest revenge ay pag sumigaw na ang resulta mo, pag nagka bahay ka, nagka kotse ka, nagka pera ka, nagbago at gumanda ang buhay, hindi mo na kailangang gumanti pa...
Hayaan mong resulta mo ang sumigaw at maramdaman nila ang panghihinayang kasi sana sa simula, sumabay na sila, sana katulad mo, resultado na rin sila.
Kaya never give up, rejection lang yan... almusal ng mga successful people yarn!!