20/06/2024
"MAHAL KO SIYA KAYA KAHIT MAY KAHATI AKO OKAY LANG"
"Bakit ka tumakas sa relasyon na 'yon?" -Vice
"Nag live in po kami nong ex ko for 3 years. Tapos sobranv dami na nga pong cheating na nangyari" -Vhecka
"Ang pinaka worst is 'yong nagkaroon sila ng baby nong girl na pinagkatiwalaan ko rin." -Vhecka
"Nalaman mong nakabuo siya sa ibang babae? Tapos?" -Vice
"Yes po. Actually, nahuli ko sila bago makabuo. No'ng una po nahuli namin ni twin, kasi sinurprise po namin siya no'ng birthday niya." -Vhecka
"Pero kami po 'yong nasurprise." -Vhecka
"Paano mo nakita do'n sa surprise ng birthday? Magkasama ba sila? Na saan sila no'n? -Vice
"Nasa kwarto po" -Vhecka
"Nabuking mo na, bakit napatawad mo pa? Kasi ang lala non, ha" -Vice
"Mahal ko po, e. Sobrang mahal na mahal ko." -Vhecka
"Kapag sobrang nagmamahal ka, minsan sobrang shunga mo na rin. Nangyayarin sa atin lahat 'yan, diba?" -Vice
"Bakit mo napatawad? Anong excuse nong ex mo? -Darren
"Ang sabi nong ex ko, may gusto raw yong girl sa kan'ya, at nagpumilit pumunta kasi alam na wala ako." -Vhecka
"Tapos ang sabi naman ni girl, pinapunta raw s'ya ni ex" -Vhecka
"Ang klaro, nasa kwarto sila pareho." -Vice
"Yong pangalawa, ano namang eksena? Nakita rin ng mga mata mo?" -Vice
"Opo. Sa kwarto rin po different girl. Girlfriend naman po ng tropa namin." -Vhecka
"Ano 'yong point na nasabi mong tama na. Mali na 'to."
"Kasi 'yong huling cheating po, nalaman ko na 'yong girl before pa lang pumunta rito sa Manila, may relasyon na sila nong ex ko" -Vhecka
"Siguro no'ng time na 'yon, nagising na ako kasi hindi na worth it. Napapabayaan ko na rin 'yong sarili ko." -Vhecka
"Kasi ang iniisip ko noon mahal ko siya. Magiging okay kami kahit anong mangyari. Na kahit may kahati ako okay lang." -Vhecka
"Hanggang sa nag pray ako kay Lord na "Lord, tama ba 'to?" kasi may involve na na baby kaya bumitaw na lang po talaga ako." -Vhecka
"So nagparaya ka?" -Vice
"Opo. Ang plano ni ex pag nag 1 year old yong baby, kukunin niya tapos magsasama na kami" -Vhecka
"Kung totoo man 'yang kwento mo, grabe salitan ang panloloko" -Vice
"Ano pa 'yong mga narealize mong mali mong desisyon?" -Vice
"Na hindi tamang ibigay mo lahat, kailangan mag-tira ka pa rin sa sarili mo" -Vhecka
"Minsan ang dali lang sabihin niyan, e. Na 'wag mong ibigay lahat, magtira ka sa sarili mo. Pero grabe, iba-iba ang epekto ng pag-ibig sa ating lahat." -Vice
"May iba na kahit anong mangyari ang tatag nila, hindi sila nilalamon ng pag-ibig kasi nakakapag set sila ng bounderies." -Vice
"May ibang, natutumba lahat ng bounderies dahil sa pag-ibig." -Vice
"Iba-iba ang epekto ng pag-ibig sa tao. Ang wild niya, kapag naapektuha ka nong sinasabi mong pag-ibig, kung saan-saan ka niya dinadala" -Vice
"Yong iba, dinadala sa paraiso. 'Yong iba naman, dinadala sa impyerno, sa hardin, 'yong iba naman dinadala sa lusak" -Vice
Grabe, talagang ONCE A CHEATER, ALWAYS A CHEATER. Ililigaw ka pala talaga ng pag-ibig hanggang sa hindi mo na mahanap 'yong sarili mo sa sobrang pagmamahal. Niloloko ka na, magsstay ka pa rin.