11/03/2025
WE TOTALLY SEPARATED FOR A YEAR, THEN GOD BROUGHT US BACK TOGETHER IN A BOOKSTORE.
During college, ilang beses ko siya niloko.
Until God brought me so low na akala ko hindi ko na makikita ang sikat ng araw.
Long story short, somehow nakalampas ako. The moment nasinagan ako ng araw, I promised the Lord - "Lord eto na 180° turn na ako sayo."
Pinakiusapan ko si Papa na kausapin si Carina na mag separate ways na muna kami hanggang mabuo namin ang isat isa. Hindi ko sya maharap sa sobrang hiya ko sa kanya...
Nung naghiwalay na kami, doon ako binago ni Lord. Ilang taon mahigit ako sa church, sa worship team. Halos lahat ng services andun ako, iyak lang ng iyak. uhaw na uhaw.
God filled that "void" in my life.
Doon ko natutunan na walang ibang bagay ang pwede mag fill ng void sa buhay ko - hindi babae, yaman o kahit anong material na bagay.
You will always have that "void" in your heart kung wala kang relationship sa Panginoon.
After more than a year na naka move on na kaming dalawa at wala na kami expectations sa isat isa, bigla kami nagkita ulit sa isang bookstore sa church.
Nagkamustahan, nag kangitian.
Tapos, i invited her for a friendly lunch with my family (after service).
Then the rest was history...
Siguraduhin na buo na ang pagkatao mo at relationship mo sa Panginoon bago ka pumasok sa isang relationship, dahil hindi totoo yung "You complete me".
Remember, 1 incomplete person + 1 incomplete person = 2 incomplete people.
But, 1 complete person + 1 complete person = 1 complete couple.