08/03/2026
NAPAKADALI MAGPADALA NG EROPLANO
Binatikos ni Vice Pres. Sara Duterte ang kakulangan umano sa aksyon ng gobyerno para ilikas ang mga Pilipino na gusto nang umuwi sa Pilipinas bunsod ng lumalalang tensyon sa Middle East.
Una nang sinabi ni Pres. Bongbong Marcos, na wala munang repatriation dahil sarado pa ang karamihan sa mga airspace sa rehiyon.
Pero giit ni VP Sara, may nakausap na siyang Pilipino sa Dubai na pauwi na sa bansa sa kabila ng gulo roon.