15/04/2023
STORY TIME!
Feb 2023 nag decide na ako na bilhin yung dream car ko. P**a talaga yung hinahanap ko kasi nag my day pa ako nun na "gusto ko ng sports car yung red". Mga millenials at Gen X nalang makakagets ng kung san galing ang reference na yan. π
Una, sa mga casa ako naghanap kaso ang latest delivery pa daw ay sa July 2023 pa. Eh atat na atat na talaga ako. Gusto ko now na mabili ko na. π
Kaya naghanap nalang ako sa marketplace. Meron ako unang nakita na red na Mustang and nag inquire ako kaso sold na daw. Meron inoffer sakin na ganitong white na may blue stripes kaso nung kukunin ko na, pina-reserve na daw. So hanap ulit ako ng p**a. π
Nakahanap na ulit ako ng p**a kaso 2018 model. Ang gusto ko kasi 2019 model pataas para naka digital cluster na. And then biglang nagkaroon ulit ng offer na puti na may blue stripes.
Hindi talaga ito yung gusto ko kasi p**a nga hinahanap ko pero sabi ko pwede na kasi mas mura kumpara sa iba, 2020 year model tapos nasa 8km lang ang tinakbo. Sulit na para sakin and 2nd option ko naman yung puti.
After ko mareserve yung unit, bigla kong naalala na nag post ako dati na bibili ako ng Mustang kaya hinahanap ko kung ano yung pinost ko kasi nalimutan ko na. Yun yung unang picture sa baba. Kaya kinilabutan ako kasi halos copy paste lang. π₯Ά
Then napansin ko rin sa desktop ko, ito rin yung Mustang na wallpaper ko pero dahil sa sanay na ako na nakikita araw-araw yung wallpaper, di ko na napapansin.
Hindi lang nagkatotoo ung sinabi ko na unang car kasi Geely Coolray Sports Limited Edition ang kinuha ko and buti nalang yun talaga kinuha ko kasi magmumukha akong tito sa Okavango. βοΈπ
Katulad ng paulit-ulit ko na sinasabi, walang special sakin. Di ako paboritong anak ng Diyos. Di ako genius at mas lalong di ako swerte. Di lang talaga ako marunong sumuko. Hindi talent yan dahil kahit sino kayang-kaya gawin yan. Ang tanong nalang, willing ka ba?
Willing ka ba na dumaan sa napakaraming pagsubok para tumatag ka? Willing ka ba makaranas ng paulit-ulit na rejections at pagkakamali sa loob ng maraming taon? Willing ka ba makarinig ng di magagandang salita galing mismo sa sarili mong kaibigan, kamag-anak at pamilya dahil di sila naniniwala sa pangarap mo? Willing ka ba ipaglaban yung pangarap mo kahit sobrang dami mo ng rason para sumuko? Willing ka ba? π€
Wag mo na sagutin yung tanong ko. Patunayan mo nalang. Tuloy tuloy ka lang. ππ
***P.S.
Walang pinamana, walang binigay, cash binayaran, hindi binihisan at sakin nakapangalan. π
Ctto Coach Karl Serrano