22/09/2026
“Bakit may bayad ang pag-edit? Eh i-edit lang naman ‘yan sa computer.” 😅
Una, kailangan ng gamit. 🖥️
Hindi naman libre ang computer, laptop, printer, internet, kuryente, renta etc.
Pangalawa, kailangan ng SKILLS. 🧠
Hindi porket marunong kang mag-type, marunong ka na agad mag-edit ng documents. May formatting, layout, spacing, tables, images, PDF conversion, revisions at kung anu-ano pa.
Pangatlo, may mga PRO applications at websites na ginagamit para mas mabilis at mas maayos ang trabaho. 💻
May mga tools na may subscription at may monthly/yearly fees. Hindi rin lahat ng features na kailangan sa editing ay libre.
Kaya kapag nagpa-edit kayo at may talent fee o editing fee, hindi lang naman “pag-click sa computer” ang binabayaran ninyo.
Binabayaran ninyo ang:
✅ Oras
✅ Skills
✅ Experience
✅ Equipment
✅ Software/Tools
✅ Electricity & Internet
✅ Effort at revisions
✅ At higit sa lahat, yung output na kailangan ninyo.
Hindi naman ibig sabihin na mahal dapat lahat ng editing service.
Pero sana, matutunan din nating pahalagahan ang skill at effort ng taong gumagawa para sa atin. ❤️
Kasi bago natin sabihing “edit lang naman,” isipin muna natin…
Kung madali lang pala, bakit hindi natin gawin mismo? 😅
Happy Printing!