21/02/2026
Imagine your child tied to a tree, beaten, killed, r***d and left without mercy. Then the suspect was arrested, fed by the government, protected by the law. People criticize former president Rodrigo Duterte for being harsh on criminals—but how about the families who lost their loved ones because of drugs?
Pinag-uusapan natin ang karapatang pantao. Nagdaraos sila ng mga exhibit at gumagawa pa ng mga espasyo para alalahanin ang mga namatay sa drug war. Pero paano naman ang para sa mga biktima? Nasaan ang para sa inosenteng anak? Para sa kapatid na hindi na nakapagtapos ng pag-aaral dahil namatay? Para sa magulang na hanggang ngayon ay nagdurusa sa sakit?
Hindi dapat isang panig lang ang hustisya.
Ang sakit ay hindi pag-aari ng iisang kuwento lamang. Dahil sa bawat “adik” na namatay, may pamilyang umiiyak. Pero sa bawat inosenteng biktima ng droga, may pamilya ring tuluyang nawalan.
Dapat alalahanin ng kasaysayan ang lahat—hindi lamang ang mga mukha ng mga namatay sa drug war, kundi pati ang mga tahimik na luha ng mga pamilyang winasak ng droga at krimen. Dahil hindi lang isang panig ang may sakit. Hindi lang isang panig ang may kuwento.