01/04/2021
Hinahangaan ngayon sa Facebook ang isang security guard na si Carlo Bolito matapos niyang isauli sa may-ari ang nakuhang wallet at cellphone na natagpuan niya sa isang parking area ng isang mall sa Lucena City.
Kwento ni Bolito, napulot niya ang wallet na na may lamang P28,073, mga idenitification cards at cellphone sa Open Parking C ng SM City Lucena.
Ang kanyang napulot na pitaka ay ay agad niyang naiturn-over sa Community Relation Service (CRS) Office ng mall para matukoy ang nagmamay-ari nito.
Sa beripikasyon ng nasabing opisina, nakilala at napabalik sa may-aring si Noeh Ramos na residente ng Lucena City ang mga natagpuang gamit.
Lubos naman ang pasasalamat ni Ramos sa katapatan na ipinamalas ni Bolito.
| via Brian Zagala, BNFM Lucena