10/10/2026
Sa mundong mabilis at laging may hinahabol, madalas nakakalimutan nating huminto at kumustahin ang sarili natin.
Naniniwala ang ALPAS na mahalaga ang pag-aalaga sa sarili at sa iyong mental health. Hindi ito luho, kundi pangangailangan. Bawat pahinga, bawat pag-iyak, bawat pag-abot ng kamay ay tanda ng lakas at hindi kahinaan.
Kaya ngayong World Mental Health Day, tanungin mo ang sarili mo: "Kumusta ka na talaga?"
Basta lagi mong tandaan na hindi ka nag-iisa. May kasama ka. Mahalaga ka.