19/04/2023
Lagi nating tandaan na hindi mo ma identify ang sarap na buhay kung hindi ka nakaranas ng mahirap na buhay.
Hindi mo ma appreciate na ang Fried chicken na ulam mo ay masarap kung halos araw araw mo naman itong nakakain, pero kung mahirap lang kayo at puro tuyo o asin lang ang ulam n’yo, kapag nakakain ka ng Fried chicken , sobrang sarap para sayo ito.
Kaya Minsan talaga sa buhay, kailangan mong harapin ang pinakamahirap na laban upang makamit ang iyong mga pangarap.
Hindi magiging madali ang bawat hakbang na iyong tatahakin, ngunit alam mong sulit ang bawat pagsisikap at pagsisimula mo.
Kung ikaw ay nagtatayo ng iyong sariling negosyo, o magsisimula ng isang career, alam mong kailangan mong magtiyaga para maabot ang tagumpay.
Lahat ng pagod, puyat at sakripisyo na iyong nilaan para sa negosyo o career mo ay magbubunga rin sa huli.
Hindi madali, pero kung matiyaga ka at patuloy na nagsisikap, makakamit mo rin ang iyong mga pangarap.