24/09/2026
Nagpapasalamat ang Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pangunguna ni Assistant Secretary Atty. Norlito Eneran, sa pagsasagawa ng site inspection at community consultation kaugnay ng activities ng APMC sa Sibuyan Island, Romblon.
Nagpapasalamat din kami kay Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic, sa DENR MIMAROPA Regional Office sa pangunguna ni Regional Executive Director Felix Mirasol, Jr., Mines and Geosciences Bureau (MGB) Lands Geological Survey Division sa pangunguna ni Dr. Kevin Garas, Environmental Management Bureau (EMB), Biodiversity Management Bureau (BMB) Assistant Director Mariglo Rosaida I. Laririt, Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa pangunguna ni Caesar Quebec, Protected Area Superintendent Joybert Mijares, mga lokal na opisyal ng pamahalaan, mga community leader, at mga residente ng Taclobo at Espaรฑa na nakiisa sa mga isinagawang aktibidad.
Naniniwala kami na ang community consultation at site inspection ay nagbibigay-daan upang marinig ang ibaโt ibang pananaw at malayang mapag-usapan ang mga impormasyon tungkol sa geology ng Sibuyan at ang kasalukuyang exploration status nito.
Para sa APMC, ipinapakita ng mga aktibidad na ito ang kahalagahan ng pakikinig, dayalogo, at makabuluhang pakikipag-ugnayan sa aming mga stakeholder. Itinuturing namin itong pagkakataon upang matuto mula sa mga komunidad at higit pang mapagtibay ang aming commitment sa pagiging bukas, transparent, at magalang sa aming pakikipag-ugnayan.
Kasabay nito, ang APMC ay kasalukuyang nasa ilalim ng bagong pamunuan na nagsusulong ng panibagong direksyon para sa kumpanyaโnakatuon sa patuloy na pagpapahusay ng aming mga proseso, maayos na pagkumpleto ng mga kinakailangang permit at regulatory requirements, pagpapatupad ng responsableng environmental at operational standards, at pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa pamahalaan at mga komunidad.
Bahagi ito ng aming patuloy na pagsisikap na maging mas bukas, transparent, responsable, at makabuluhan sa aming pakikipag-ugnayan sa lahat ng aming stakeholders habang isinusulong ang aming mga commitment sa Sibuyan.