22/08/2026
Itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng Waste-to-Energy Program upang mapakinabangan ang basura bilang pinagkukunan ng karagdagang kuryente.
Kasunod ito ng pagdami ng basurang naipon sa mga daluyan ng tubig matapos ang pagbaha, na nagdulot ng pagbabara at nagpahirap sa daloy ng tubig.
Nanawagan din ang Pangulo sa mga LGU at publiko na maging responsable sa wastong pagtatapon ng basura.