22/09/2026
"LAHAT PAHIRAP SA PINAS - KADA GALAW MO PAHIRAP"
Akala mo sa pag-aapply lang pahirap? Hindi.
Mas malala pag nasa loob ka na ng sistema.
GIGISING KA PA LANG, PAHIRAP NA AGAD.
Alas kwatro ka gigising para di ma-late. Siksikan sa jeep, siksikan sa MRT, 2 oras byahe papasok. Basang-basa ka na sa pawis, pagod ka na, di ka pa nakakarating sa trabaho mo. 50 pesos pamasahe papunta, 50 pabalik. 100 per day, 3K per month pamasahe pa lang. Pagod ka na sa byahe, pagod ka pa sa trabaho. Pinas lang ganyan, gigising ka pa lang, ubos ka na.
GUSTO MO MAG NEGOSYO? GOBYERNO PA MISMO PAHIRAP SAYO.
Gusto mo lang magtayo ng maliit na sari-sari store sa harap ng bahay nyo. Maliit lang, pang dagdag kita lang para may makain pamilya mo. Kailangan mo:
Barangay permit
Mayor's permit
DTI
BIR - 1,500 bukas pa lang
Fire permit
Sanitary permit
Gusto mo lang kumita ng 300-500 per day. Pero bago ka kumita, 10K na gastos mo sa permit pa lang. Tapos pabalik-balik ka pa sa munisipyo, pila ka pa ng 5 oras. Tapos may maniningil pa ng lagay. Sa ibang bansa, tutulungan ka magnegosyo pag nagsisimula ka pa lang. Dito sa Pinas, parang ayaw ka nilang umasenso.
MAGKASAKIT KA LANG, PULUBI KA NA AGAD.
Sa ibang bansa pag nagkasakit ka, may libre. Dito sa Pinas, pag nagkasakit ka, kailangan mo pa mag post sa Facebook para manghingi ng tulong. 15K sahod mo, pero isang ospital mo 50K. Isang simpleng lagnat lang, 3K na agad sa private. Kaya maraming Pilipino takot magkasakit hindi dahil takot mamatay, takot magka-utang.
MAMATAY KA NA LANG, PAHIRAP PA RIN.
Pati patay sa Pinas may bayad na pahirap. Namatayan ka na nga, iiyak ka pa sa gastos.
Kabaong - 20K pinakamura
Puneral - 30K
Lupa - 50K to 100K
Pagpagawa ng lapida - 10K
Pang kape sa lamay - 15K
Kakamatay lang ng tatay mo, baon ka na agad sa utang. Pati pagluluksa, may bayad.
GUSTO MO UMALIS NG PINAS PARA GUMINHAWA? PAHIRAP DIN.
Kaya maraming Pilipino gusto mag abroad, kasi pagod na sa pahirap dito. Pero pati pag alis, pahirap.
Passport - pila, 1,200 gastos, 3 buwan bago makuha
Medical ulit - 5K
Training - 10K
Placement fee - 50K to 100K
Pang iwan sa pamilya - utang pa.
Aalis ka na nga para tumakas sa hirap, hirap pa rin bago ka makaalis.
GUSTO MO BUMILI NG SARILING BAHAY? 30 YEARS KA MAGBABAYAD.
Sahod mo 15K. Pangarap mo bahay. Magkano pinakamurang bahay ngayon? 1.5M. Pag kumuha ka sa Pag-ibig, 30 years to pay. 30 YEARS. Buong buhay mo magbabayad ka. Pag 25 ka kumuha, 55 ka na bayad ka pa rin.
ITO PINAKA MASAKIT:
Sa Pinas, pag mahirap ka, pahirap lalo.
Pero pag may pera ka, dali lahat.
Kaya kung hihintayin mo gumanda sistema sa Pinas bago ka umasenso...
Mamamatay ka na lang na naghihintay.
Kaya gumawa ka ng sarili mong daan na hindi ka hawak sa leeg ng sistema.
Tuturuan ka namin dito sa Alpha Kings!
(C)Hustle Over Slavery - H.O.S