17/10/2021
VIP Pigcawayan Now Open‼️
Happy to serve you 😊
https://www.facebook.com/100734604987363/posts/414431783617642/
VIP PAYMENT CENTER sa bayan ng Pigcawayan, Pinasinayaan na!
Pinasinayaan na ang VIP Payment Center sa bayan ng Pigcawayan ngayong araw October 17, 2021 bandang alas 9 ng Umaga.
Sa inauguration, nasaksihan ng mga opisyal ng bayan na sina VM Juanito Totoy Agustin, Former Mayor Eliseo Jun Garcesa, Municipal Councilor Helen Garcesa, Municipal Councilor Rolly Dillera at Municipal Councilor Noel Egaran.
Sa panayam ng 98.1 Radyo Amigo sa may ari ng VIP Payment Center na si Ginoong Ray Ybay, na hindi na umano mahihirapan ang mga sambayanan at mapadali rin daw umano ang pagbibigay nila ng quality service lalong lalo na ang pagbabayad ng mga Bills, government's payments at marami pang iba.
Ayon kay Ybay, marami ang ma-icover ng VIP Payment Center, isa na rito ang money remittance, cash out/in gamit ang GCASH Account ng isang indibidwal. Anya, hindi lamang sila nakafocus sa bayan ng Pigcawayan kundi pati narin sa mga karatig na lugar.
Dagdag ni Ybay na bukas ang nasabing opisina mula alas 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon mula araw ng Lunes hanggang Linggo.
Ang VIP Payment Center ay matatagpuan sa EDG Bussiness Center Pob.3 harap lamang ng Pigcawayan Central Elementary School.