10/05/2026
Sa lahat ng dakilang ina sa ating komunidad,
kayo po ang tunay na ilaw ng bawat tahanan — puno ng pagmamahal, sakripisyo, lakas, at walang sawang pag-aaruga.
Sa espesyal na araw na ito, kami mula sa Business Permits and Licensing Office ay taos-pusong bumabati at nagbibigay-pugay sa lahat ng mga ina saan mang panig ng mundo.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kapayapaan, at kasiyahan kapalit ng inyong walang kapantay na pagmamahal at sakripisyo para sa pamilya.
Maligayang Araw ng mga Ina! 💐
Kayo po ang tunay na inspirasyon, ilaw, at puso ng bawat tahanan. ❤️