31/01/2026
Para sa mga new customer na papasok ngayon taon 2026 π€π«Ά
At para na rin sa mga WRS na nagbabalak pumasok sa ganitong negosyo π
π’ OPISYAL NA PRICE ADVISORY
π§ Angat Water Refilling Stations Association, Inc. (AWReSAI)
Ipinapaalam po ng Angat Water Refilling Stations Association, Inc. (AWReSAI) na, batay sa napag-usapan at napagkaisahan ng mga may-ari ng mga legal at rehistradong water refilling stations sa Bayan ng Angat, magkakaroon ng pagbabago sa presyo ng purified drinking water per 5-gallon container, na magiging epektibo sa March 18, 2026.
Ang naturang price adjustment ay isinagawa kasunod ng pagtaas ng singil ng Water District, gayundin ng patuloy na pagtaas ng mga gastusin sa operasyon, kabilang ang:
β’ βοΈ petrolyo at delivery expenses
β’ π§ͺ water treatment filters at sanitation supplies
β’ π¬ regular laboratory water testing upang masigurong ligtas at pasado sa pamantayan ang inuming tubig
β’ π pagtaas ng permit at regulatory fees
β’ at iba pang mahahalagang gastusin sa pagpapatakbo ng water refilling stations
π Updated Pricing:
β’ Mula β±30, ang presyo para sa Residential at Offices ay magiging β±35
β’ Mula β±25, ang presyo para sa Resellers at Dealers ay magiging β±30
β’ Ang pickup price ay mananatili sa β±30
β’ Ang delivered price ay itatakda sa β±35
Ang advisory na ito ay epektibo sa mga water refilling stations na legal, rehistrado, at nakikiisa sa kasunduan ng AWReSAI.
π Nawa po ay suportahan natin ang mga lehitimo at sumusunod sa pamantayan na water refilling stations sa ating bayan, upang patuloy naming maihatid ang ligtas, malinis, at de-kalidad na purified drinking water para sa ating komunidad. ππ§
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta.
β Angat Water Refilling Stations Association, Inc. (AWReSAI)