Bookkeepers solutions and management

Bookkeepers solutions and management accounting, bookkeeping and auditing activities, tax consutancy and property management services

https://www.facebook.com/share/p/1C3yLHR1kx/
11/07/2026

https://www.facebook.com/share/p/1C3yLHR1kx/

According sa balita, 130+ na negosyo na ang na-issuehan ng closure under the BIR Nationwide Oplan Kandado.

Pag-usapan natin kung ano nga ba ang OPLAN KANDADO?

Ang Nationwide Oplan Kandado ay isang campaign ng Bureau of Internal Revenue, kung saan pansamantalang isinasara ang isang negosyo na lumalabag sa National Internal Revenue Code of 1997 Section 115 at ang layunin nito ay hikayatin ang voluntary compliance at mapataas ang tax collection.

Sino ba ang direktang apektado nito?

Ang madalas na naapektuhan nito ay mga negosyanteng hindi registered, hindi nag-iissue ng sales invoice or resibo, at hindi nagdedeclare ng tamang sales.

Sa madaling salita, mga Micro, Small and Medium Enterprises or MSMEs ang apektado.

Pero, bilang isa ring negosyante, ito ang saloobin namin:

Marami sa mga maliliit na negosyo ang hindi naman tumatakbo para umiwas sa buwis. Ang totoo, marami sa kanila ang nalilito sa dami ng requirements, nahihirapan sa compliance, at walang sapat na kaalaman sa proseso.

Hindi naman accountant ang karamihan sa mga negosyante.
Hindi rin lahat ay makakayahang maghire ng bookkeeper or accountant, specially sa mga baguhan pa lang.

Nagnenegosyo lang naman sila dahil gusto lang nila ay magbenta, kumita nang marangal, makapagbigay ng trabaho sa ibang tao, at umunlad ang buhay.

Kaya bakit kailangan pa natin silang pahirapan?
Bakit parang ayaw natin ng pag-unlad?
Hindi na rin ako magtataka kung bakit nababansagan tayong
"Anti-progress country."

Ang tanong ko lang sa gobyerno, sapat ba ang suportang binibigay nyo sa mga maliliit na negosyo para ma-educate at mauunawaan nila ang napakakomplikadong requirements and compliances?

Kung ang sagot nyo ay hindi, then bakit hindi na lang natin hayaan ang mga negosyanteng magkeep ng records nila sa diskarte nila, as long as maprovide nila yung proof or documents na magpapatotoo sa sales, income, expenses, at mga taxes na binayaran nila.

Hindi yung kailangan ipa-register yung books, kapag hindi nakaregister, may penalty. Tapos kapag may tax mapping at na-tax map tapos hindi updated yung books, may penalty ka na naman.

Let simplify the process.
Huwag gawing kompliakado.
Mas maganda i-educate rin.

Simplifying the process is better than Oplan Kandado.
Let's encourage them to do business, hindi takutin, hindi pahirapan.

Ang pag-unlad ng bawat negosyo ay pag-unlad rin ng bansang Pilipinas.

10/07/2026
03/06/2026

Apply now. Need asap

Address

EB026 EPICENTER, LAJI Enterprise Bldg, Iñigo Street, Pob
Polomolok
8000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bookkeepers solutions and management posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share