20/05/2026
Frequently Asked Questions (FAQ)!
1. Magkaiba po ba presyo ng overnight at sa walk-in?
Ans: Hindi po. Nakadepende ang total amount ng inyong babayaran sa accommodation na napili nyo plus entrance fee. Wala pong additional payment for overnight.
2. May corkage po ba?
Ans: Wala po. Pwede kayo magdala ng kahit anong inumin at pagkain sa Pamana.
3. May kuryente po ba at signal dyan?
Ans: Wala po. Ang Pamana ay nasa gitna ng bundok. Malapit ito sa Mother Tree kaya mahirap ang signal at kuryente dito. Pero, mayroon naman tayong solar lights tuwing gabi para hindi kayo mahirapan lalo na tuwing overnight.
4. May kusina po ba dyan o pwedeng lutuan?
Ans: Meron po. Meron tayong kitchen area malapit sa pool at meron din tayong mga ihawan para sa mga gustong mag-ihaw o magluto ng mga dalang ulam.
5. Pwede po ba na walk-in?
Ans: Yes po pero in case na may plano kayong mag-avail ng tents or ng bahay, we advise na magsend po muna kayo ng message para po ma-prepare namin ang Pamana at ma-enjoy nyo nang maayos ang site.
For more questions or inquiries, do not hesitate to drop down your questions in commenr section or send us a message!
๐Located at Sitio Bual-bualan, Brgy. Simpocan, P.P.C.
๐ Near Mother Tree