29/01/2026
Hindi mo tunay na malalaman kung gaano ka kalakas, katapang, at kahusay
habang may mga bagay ka pang kinakapitan na pumipigil sa’yo.
Minsan, hindi ang mundo ang humahadlang sa atin kundi ang sariling takot, nakaraan, maling tao, maling relasyon, maling paniniwala,
at mga bagay na akala natin “sandalan,”
pero sila pala ang dahilan kung bakit hindi tayo umaangat.
Kapag binitawan mo ang mga bagay na humihila pababa sa’yo, doon mo makikilala ang totoong sarili mo.
Doon lalabas ang tapang na hindi mo alam na meron ka. Doon mo mararamdaman ang lakas na galing sa Diyos, hindi sa tao.
Minsan, ang pagbitaw ay hindi pagkawala
ito ay paglaya. At ang paglaya ang simula ng tunay na pag-usbong. ✨🙏
-Coachems