07/05/2024
PISO CARAVAN GOES TO PANTABANGAN, NUEVA ECIJA! ๐
Mga taga-Pantabangan, Nueva Ecija, meron ba kayong hawak na marumi o sira-sirang pera? Pwede mo itong papalitan ng bagong pera o e-money sa Piso Caravan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Producers Savings Bank Corp.
Ang pera ay tinuturing na unfit kung ito ay may labis na pagkalukot, kupas ang imprenta, o may mantsa. Mutilated naman ang pera kung ito ay may punit, butas, nginatngat ng hayop, o sira-sira.
Para naman sa mga nais magkaroon ng bank o e-wallet account, magdadaos ng account opening activity ang kalahok na financial service providers. Magbibigay rin ng financial learning session para sa mga gustong magkaroon ng dagdag na kaalamang pampinansyal.
โฐ Magkita-kita tayo sa May 8, 2024, sa Umali Gym, Municipal Hall, Pantabangan, Nueva Ecija, mula 9:00 a.m. hanggang 12:00 noon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Piso Caravan, bisitahin ang mga sumusunod:
โข Ano ang Piso Caravan: https://bit.ly/PisoCaravanVideo
โข Mga perang mapapalitan sa BSP Piso Caravan: https://bit.ly/PC-AcceptedMoney