12/10/2020
Kung naka-set ang utak mo sa pagsuko lalo kapag nahirapan ka, ang laging final decision mo ay ang pag-QUIT. Pero kung naka-set ang utak mo na manalo, kahit ano pang hirap iindahin mo, dahil wala kang tatanggaping resulta kundi ang MANALO..
Tandaan na ang PAGLIPAD ay nag uumpisa sa LUPA, at ang PAGBAGSAK naman ay ang pagkahulog mula sa itaas. Kayat kung kumikita ka ng barya barya, saan bat kikita ka rin ng milyun milyon wag ka lang titigil matuto at mag negosyo. Kahit ang mayabong at matayog na puno ay naging munting punla din na minaliit at natapakan. Kaya wag matakot magsimula sa mababa, sa maliit, sa kaunti, sa kapos, ang mahalaga sa kabila ng iyong kakulangan, alam mo kung ano ang iyong pinaglalaban, at yan ay ang karapatang YUMAMAN at makamit ang mga PANGARAP.
Wag matakot matalo sa una, walang kampeon na hindi nakaranas ng pagkatalo.
-Louie Nash