14/01/2023
My master,mentor,and Friend Captain JM PH .Salute to you sir! π«‘
Rank Up
Hindi lng dapat sa oath taking nasusuot ang uniform at bara sa balikat.Makita ko na ung saya at galak ng mga crew habang sinusuot ang uniform nila na at last hindi lng natatapos sa lisensya na nakapasa sila kundi naaktuhan na nila ang mga position na pinagtrabahuan at pinag sikapan nila.Doon pa lng Apat na pamilya na nmn ang mababago ang buhay.Ito ung 3 months reporting namin sa company na meron picture na dapat ipapasa.Pagkakita ko sa kanila tanong ko ano feeling na suot suot mo ang uniform na basehan na totoo na talaga na opisyal ka na?
1. OS Renz Alipo-on to Able Body Seaman.Madiskarte rin at matyaga ung bata hinintay nya talaga ang 11 months para lng masigurado nya na sasampa sya sa barko na AB na at alam nya na maaus ang madadatnan nya sa barko.
2. Oiler Rommel Guadalupe to 3rd Assistant Engr-Nakita ko kung gaano sya kasipag at kaaus sa trabaho.Hindi sya madamot sa mga kapwa nya ratings.Nagugulat na lng ako na ung mga mas mababa sa kanya binibigyan nya ng mga pambili ng softdrinks at chichirya.He extend his working hours para mag aral.Hindi mayabang at sobrang maaus na tao.Doble swerte pa na biniyaan sya ng healthy baby at promotion.
3. AB Elrey Heria-3rd Mate.Naexpire lng license nya for almost 5 years na d nakaakto.Nakasama ko to Chief mate pa ako pero mailap ang swerte.Nakita ko ung lungkot sa mga mata nya nung umuwi bago kami magkapalitan at sa isip ko.Hindi man sya nagsabi na sir tulungan mo ako pero alam ko sa puso ko na I need to help this man.Rejections over rejections.Now is the time for him.Actually meron na 3rd mate nakaline up sa barko pero sinubukan ko baka mabago pa and yes we did it.Nagbago at approved.Salamat sa tiwala ng owner ng barko.
4. 3rd Asstnt Engineer Joon Mark Capanang-2nd Asstnt Eng.Ito siguro ung nagsimula sa Oiler-3AE-2AE na pangalan ko ang nasa recommendation letter.In span of 3 vessels for 4 years ang bilis nya nakuha ang promotion.Paano dahil sa likas na madiskarte,maaus na tao at bonus na ung matalino.
Sa apat na napromote whats the common denominator?Lahat sila mabubuti at maaayos na tao.Hindi ako naghahanap ng pinakamagaling at matalino na crew.Basta maaus ka lng makisama at maganda ang pag uugali ok na sa akin yan.Wala akong narinig na nanira sila ng mga kasamahan nila para tumaas ang rank nila.Tulungan ang lahat pag may problema sa barko hindi rin nmn nila ako iniiwan bagkos ay naghahanap kami ng solusyon na maaus ang problema regardless of rank, ang opinion at contribution nila ang nagmamatter sa barko.Lahat sila alam ko kung ano ung goal nila at yun ay ang mapabuti at maiayos ang Buhay ng Pamilya nila.
Mula noon I never compare my success to anyone.Hindi ako ung pag umangat ang kasamahan ko ay ayaw ko tumulong dahil sa baka matalo ang record ko na dapat ung edad nila is pareho sa edad nung napromote ako.Toxic ang ganyang mindset.Mas masaya pag nabago mo ang bawat buhay nila at dahil sa angking sipag at tyaga nila kung bakit nakamit nila ang promotion.Pag may mga milestone sa buhay nila maalala nila na naging parte ako ng pag angat nila. Intrumento lng ako pero sila talaga ang rason kung bakit napromote sila.Kaya sa mga nagbabasa wag mawalan ng pag asa.Magtrabaho ng maaus at be good to anyone.Kahit gaano ka pa ka successful always remind yourself to keep your foot on the ground.Magdasal at magtiwala kasi ibibigay nya yan pag ready ka na.
Salamat rin pala sa support nang mga kasamahan ko specially ung head ng mga departments na nag guide sa kanila at nagbigay ng support para maisakatuaparan ung lahat ng ito.
I will leave this qoute from Paul Hester.
βLeaders win, when the team wins. When people get elevated.
When knowledge increases.
When goals become reality.
There's no magic or rocket science behind good leadership.
It's all about helping people grow while getting to the destination.β