01/04/2023
Kapag nagne-negosyo ka sasabihin bakit di ka magtrabaho,
‘Pag nagtrabaho ka naman sasabihin mas ok kung sariling negosyo.
‘Pag bumili ka ng motor sasabihin sana kotche nalang binili mo,
‘Pag kotche binili mo sasabihin inuuna pa kotche kesa sa bahay
Kapag maliit bahay mo sabihin kaliit naman pinagawa mo,
‘Pag nagpagawa ka ng malaki sasabihin gastos - pwede naman maliit nalang.
Kapag nag-avail ng installment sasabihin “ah wala sigurong pang-cash”
Kapag bumili ka ng cash sasabihin sayang dapat hinulugan mo nalang pwede mo pa magamit yung pera mo sa negosyo.
Kahit anung gawin mo, meh masasabi’t masasabi talaga yang mga taong nalulungkot sa kasiyahan ng iba.
Kaya ikaw, bilhin mo gusto mo. Gawin mo gusto mo.
Post mo, i-MyDay mo!
Pinagtrabahuhan mo yan, pinagpuyatan mo.
Pinaghirapan mo kung ano man yan, wala silang pakialam!
Ubusin nila oras nila kaka-puna sayo,
Hanggang sa hindi na nila alam pa’no maging tunay na masaya - kasi nabubuhay nalang sila sa buhay ng iba.
Grind lang ng grind mga boss!