14/05/2026
Thank you, self, for not giving up. And thank you to all the people who helped me hold on when I felt like I couldn’t anymore.
Ang daming nangyari nitong mga nakaraang taon. Dumating ako sa point na akala ko makikita ko na talaga ang dulo ng mental capacity ko. Yung tipong pagod ka na emotionally, mentally, at physically pero tuloy ka pa rin kasi kailangan.
Takot ako sa judgement noon. Gusto ko kasi ako lang yung “happy go lucky” version na nakikita ng mga tao sa paligid ko. Ayoko ipakita na nahihirapan din ako. Pero isa sa pinaka importanteng lesson na natutunan ko nitong mga nakaraang taon is this: TO ASK FOR HELP.
Hindi masamang humingi ng tulong. Hindi nakakabawas ng pagkatao ang pag-amin na napapagod ka rin. At higit sa lahat, may mga taong makikinig sayo nang walang judgement, mga taong handang umintindi kahit hindi mo kayang i-explain lahat ng nararamdaman mo.
There is more to life. More than pain, more than disappointments, and more than the bad people who hurt you. Sa totoo lang, mas maraming mabubuting tao sa paligid mo.. minsan hindi mo lang napapansin kasi mas naka-focus ka sa sakit na binigay ng iba.
Learn to protect your peace. Iwasan ang toxic na tao at sitwasyon. Piliin mong mapalibutan ng mga taong may mabubuting puso, mga taong hindi ka hihilahin pababa kundi tutulungan kang bumangon ulit.
And if no one has told you this lately.. I’m proud of you for surviving the days you thought you wouldn’t make it through. One step at a time. One day at a time. Healing is not linear, but every small progress still counts.
Darating din yung araw na hindi ka na lang basta “surviving.” Masaya ka na ulit, genuinely.