20/09/2026
𝐆𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐊𝐚𝐭𝐚𝐠𝐚𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐏𝐚𝐧𝐞𝐥?
Alam mo ba na ang solar panel ay karaniwang tumatagal nang 25 years? Pero hindi ibig sabihin na pagsapit ng 25 years ay sira na agad ito. Maaari pa rin itong makagawa ng kuryente, bagama’t unti-unting bumababa ang performance nito habang tumatagal.
Sa tamang installation, regular na paglilinis at inspection, at maayos na maintenance, mas mapapanatili ang magandang performance ng inyong solar PV system. Kaya bukod sa paggamit ng malinis na enerhiya mula sa araw, mahalaga rin ang wastong pangangalaga para masulit ang inyong solar investment sa mga susunod na taon.