15/09/2026
Na-ghost ka na ba ng client? 👻
Nag-send ka ng application, nagkaroon ng magandang usapan, baka umabot pa sa interview…
Tapos biglang wala na. Silence. 😅
Kung nangyari na sa’yo, don’t worry. Halos lahat ata ng freelancers, naranasan nang ma-ghost or ma-reject.
Here’s how to handle it:
1. Follow up once, politely.
After about a week of silence, send a follow-up. Baka busy lang or natabunan ang message mo. Pero kung wala pa ring reply, don't chase.
2. Don't take it personally.
Hindi mo alam kung bakit hindi sila nag-reply. Baka na-hold ang hiring, nagbago ang budget, or may ibang candidate na mas fit. Don't automatically assume na may mali sa'yo.
3. Keep applying.
Hangga't walang signed contract or confirmed start date, tuloy lang sa paghahanap. Don't put all your hopes on one lead.
4. Learn and adjust.
Kung paulit-ulit na walang response, baka panahon na para i-review ang resume, portfolio, proposal, or interview skills mo.
Rejection is part of freelancing. Ghosting too.
Hindi lahat ng opportunity para sa'yo, pero that doesn't mean walang tamang client for you
Follow up. Learn. Move on. Keep going. 🚀