28/08/2026
Dinoble mo na fabcon mo pero amoy-kulob pa rin?
Baka may naiiwang dumi o residue sa damit na hindi natatanggal nang maayos sa laba. Kaya, paano ba dapat maglaba para maiwasan ito?
1. Mag pre wash muna 🫧
Kung may pawis, dumi, o mantsa ang damit, mag pre wash muna. Puwede ring i-spot clean ang mga parteng madalas pagpawisan bago labhan.
2. Tamang dami ng detergent 🧴
Hindi porke mas marami ang detergent o bula, mas malinis na ang damit. Kapag sobra, puwedeng may maiwang residue sa tela na maaaring pagmulan ng amoy.
3. Gumamit ng laundry booster kung kinakailangan. ✨
Para sa matitinding mantsa o amoy, puwedeng gumamit ng oxygen bleach, washing soda, borax, o enzyme booster, depende sa kailangan ng damit.
4. Huwag i-overload ang washing machine. 🧺
Kapag overloaded, walang espasyo ang mga damit kaya hindi maayos ang agitation, at hindi rin lubusang natatanggal ang dumi at residue.
5. White vinegar sa banlaw. 🍶
Puwedeng makatulong ang white vinegar para ma-neutralize ang amoy. Iwasang ibabad ang dark-colored clothes para maiwasan ang pag-fade o pag-bleed ng kulay. Huwag itong ihalo sa bleach.
6. Linisin din ang washing machine. 🫧
Kung may "Tub Clean" ang iyong washing machine, gamitin ito nang regular para matanggal ang naipong dumi at residue na puwedeng pagmulan ng amoy.
Kaya bago dagdagan ang fabcon, balikan muna ang laundry checklist. Baka may isang step na kailangan mo lang ayusin.
May laundry tip ka rin? Ibahagi mo sa comments! 👇