17/04/2024
MAG-INGAT SA SCAMMERS! Kami lang po ang tanging page na awtorisadong magproseso ng online enrollment para sa BLENDED LEARNING training ng PNTC.
Para sa practical assessments naman tulad ng II/4, II/5, III/4, at III/5, PNTC Maritime Assessment Center lang ang nagproproseso ng registration.
𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬: MAG-INGAT SA SCAM!
Muli po naming pinapaalalahanan ang lahat na MAG-INGAT SA MGA SCAMMER na ginagamit ang pangalan ng PNTC Colleges upang magbenta ng mga hindi awtorisadong serbisyo.
Sa panahon ngayong talamak ang mga scam lalo na online, narito ang ilang paalala para makaiwas sa mga mapagsamantalang grupo at indibidwal:
1. TOTOO BA 'TO? Maging mapanuri sa anumang naka-post online lalo na sa mga FB group.
2. PNTC BA 'TO? Makipagtransaksyon lang sa mga awtorisadong opisyal ng PNTC. Kung may alinlangan, maaaring dumiretso sa aming opisina sa Intramuros, Manila.
3. LEGIT BA 'TO? Saliksikin ang kumpanya/website/page/tao na kinakausap. May mga scammer na nagpapakita ng pekeng dokumento para magmukhang lehitimo sa mga binibiktima.
4. TAMA BANG ACCOUNT 'TO? Huwag basta-basta magdedeposito ng pera. Gumagamit ng corporate account ang PNTC at hindi nagpapadeposito sa mga indibidwal na account.
5. SCAM 'TO! Kung ikaw ay nabiktima o muntik nang mabiktima ng scam, agad na i-report sa mga awtoridad ang mga sangkot sa insidente.
Ito lang ang mga opisyal na Facebook account na ginagamit ng PNTC-MTAC para sa mga transaksyong may kinalaman sa training at assessment:
• Training Updates & Information: PNTC Colleges - Maritime Training Center (.mtc)
• Blended Learning Enrollment: PNTC - MTC Online Training Programs (.mtconline)
• Practical Assessments: PNTC Maritime Assessment Center (.assessments)