03/04/2026
📢 PAUNAWA SA AMING MGA SUKI 📢
Magandang araw po!
Ipinapaalam po namin na simula April 04, 2026 ay magkakaroon po ng kaunting pagbabago sa presyo ng aming tubig:
💧 ₱35 – para sa delivery
💧 ₱30 – para sa pick-up
Ang pagbabago pong ito ay dulot ng patuloy na pagtaas ng gastos sa gas at kuryente, na mahalaga sa aming operasyon upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng malinis at de-kalidad na tubig sa inyo.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. Sisikapin pa rin po naming maibigay ang pinakamahusay na serbisyo para sa inyo.
Maraming salamat po! 💙