27/08/2026
π’ PAALALA SA AMING MGA SUKI AT DEALERS! π§
Para po mas malinaw sa lahat kung bakit hindi po agad naibabalik ang inyong mga container pagkatapos ma-pick up, nais po naming ipaliwanag ang aming DELIVERY SCHEME.
π PAANO PO ANG IKOT NG DELIVERY?
π 1. PICK-UP
Iikot muna ang delivery para mangolekta ng mga empty container sa bawat area.
π 2. BALIK SA REFILLING STATION
Babalik ang delivery para ibaba ang mga nakuhang container, saka ito huhugasan at lalagyan ng tubig.
π 3. PICK-UP ULIT
Habang hinuhugasan at nire-refill ang unang batch, iikot muna ulit ang delivery para mag-pick-up ng panibagong batch.
π 4. LOAD & DELIVERY
Kapag ready na ang unang batch, ilo-load ito at ihahatid sa mga household at dealers.
π 5. PICK-UP ULIT
Pagkatapos ng delivery, mag-iikot ulit para sa panibagong batch. Pagbalik sa station, ibababa ang bagong nakuhang containers at ilo-load naman ang susunod na batch na ready na for delivery.
π PAULIT-ULIT LANG PO ANG CYCLE
PICK-UP β‘οΈ WASH β‘οΈ REFILL β‘οΈ LOAD β‘οΈ DELIVERY β‘οΈ PICK-UP ULIT
Kaya po hindi agad naibabalik ang container pagkatapos ma-pick-up. May proseso pa po itong pagdaan sa refilling station bago ito muling ma-deliver.
π§ PARA PO MAIWASAN ANG MAUBUSAN NG TUBIG:
β
1. Kailangan ng Tubig ASAP?
Kung hindi po sinasadyang maubusan at kailangan agad ng tubig, maaari po ninyong dalhin mismo ang empty container sa aming Refilling Station para masalinan agad at madala na ninyo din pauwi.
β
2. Magkaroon ng EXTRA CONTAINER
Kung may extra container po kayo, habang ginagamit ang isang container, puwede namang ipa-refill ang isa. Para may reserve po kayo at hindi agad mauubusan.
β
3. MAG-TEXT / ORDER NANG MAAGA
Mas mabuti po na mag-text o mag-order sa umaga para maisama agad sa aming schedule ng pick-up at delivery.
β οΈ Iwasan po sana ang pag-text para sa delivery kapag hapon na, dahil kadalasan ay naka-schedule na ang aming mga delivery at pag-iikot sa iba't ibang area.
π Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan!
Ginagawa po namin ang aming makakaya upang ma-deliver ang inyong tubig sa maayos at mabilis na paraan habang nasusunod ang aming delivery cycle.
π§ KAT WATER REFILLING STATION
Malinis β’ Maayos β’ Maaasahan
Maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik! β€οΈπ§