20/04/2022
UPDATED REMINDER ‼️
‼️MUNTING PAALALA‼️
To all Distributors and Resellers:
Amin pong uulitin ang aming paalala:
1. LEADTIME
Pakisunod palage po ng aming leadtime na dalawang araw bago ang delivery.
Ibig sabihin po, kung ang request delivery nyo ay sa Biyernes, dapat ay mareceive na namin ang inyong order ng Miyerkules hanggang 5:00 ng Hapon. Kung dumating po sa punto na nakapag-advise kayo ay Miyerkules na ng Hapon, madedeliver po yun ng Lunes na dahil wala po tayong Sabado at Linggo na delivery.
🍕Monday Delivery - Saturday hanggang 5 pm
🍕Tuesday Delivery - Sunday hanggang 5 pm
🍕Wednesday Delivery - Monday hanggang 5 pm
🍕Thursday Delivery - Tuesday hanggang 5 pm
🍕Friday Delivery - Wednesday hanggang 5 pm
Note: Masusunod po ang ibinigay na leadtime at cut off kung walang mangyayareng problema o power interruption.
2. DELIVERY TIME
Para naman po sa oras ng delivery, lahat po ng orders ay tatapusin muna bago umalis ang delivery service. Kami po ang masusunod sa delivery timing at sa oras kaya p**i make sure po na lahat ng Distributor ay marereceive ang orders. Kung matapos po na iprepare ang orders ng 9:00 am, dun pa lang po aalis at magsisimulang magdeliver.
3. STOCKS and ORDERS
🍕STOCKS
Para naman po sa inyong stocks, planuhin nyo pong mabuti kung ilan ba ang araw araw na nabebenta nyo at kung hanggang kelan mabebenta ang inyong stocks. Dapat po ay may dalawang araw kayo na buffer stocks sa inyong side.
🍕ORDERS
Strictly No Cancellation and No Moving of Dates.
Palage po namin kayong iniinform na siguraduhin ang pagorder. Hindi po kami namimilit na magorder kayo agad. Ang amin pong paggawa ng dough ay base lamang sa order nyo, kung magkakaroon ng cancellation o moving of orders, masisira po ang dough namin. Kaya mariin po naming sinasabe sa inyo na walang magkakansela o magmomove ng Orders sa ibang araw.
4. CAPACITY
Ang current capacity po namin kada araw ay 150 pcs po, kung mameet na po namin ang 150 pcs base sa order ng ibang distributor, malilipat po ng ibang araw ang inyong order kung mahuli po kayo sa pagsesend. Amin naman pong sinosolusyunan ang problemang ito para maserve kayong lahat ng maayos.
5. PROPER HANDLING OF PIZZA
Pakiusap po, pagkadating na pagkadating po ng Pizza sa inyo, p**ilagay na po agad sa refrigerator or chiller. Ang Pizza po ay umaabot ng 10 to 14 days basta tama ang handling nyo sa Pizza. Hindi po namin kayang sagutin ang pagkasira ng Pizza ninyo sa kadahilanang hindi naman namin alam kung tama ba ang pagkakastore at pagkakahandle nyo sa Pizza. Masama pong mainitan ang pizza dahil masisira po talaga yan.
6. PLACE OF DELIVERY
Sa lahat po ng Distributor, magassign po kayo ng isang lugar kung san ibabagsak ang order nyo. Hindi po kami ang magdedeliver sa Resellers nyo. Responsibility po ng Distributor na sya ang magdeliver sa Resellers.
Kaya amin pong hinihingi ang inyong pang-unawa at sana naman po ay p**isunod ang mga nasabing paalala para maiwasan po natin ang hindi pagkakaunawaan.
Maraming Salamat po,
Ninong’s Pizza Management