Talent Acquisition

Talent Acquisition Building bridges to provide the RIGHT TALENT to the RIGHT JOB. We handle Staffing and Executive Search requirements across all levels and functions.

The firm was established to be able to cater the needs of companies and to be able to successfully hire quality employees. Recruitment & Talent Acquisition are the core competencies of the business and the services being offered focuses on assisting clients through fast and efficient hiring process. This enables us to provide the right talent for the right job.

03/12/2022

PROTIPS - Dec 2, 2022
Just Right

Isang kaibigan ang aking tinanong kung ano ang gusto niyang matutunan. Simple ngunit napakahalaga ng kanyang naging tugon, contentment. Ganito ang panalangin ng sumulat ng Proverbs 30:8-9, "give me neither poverty nor riches! Give me just enough to satisfy my needs. For if I grow rich, I may deny you and say, “Who is the Lord?” And if I am too poor, I may steal and thus insult God’s holy name."

Paano nga ba tayo magiging kuntento sa buhay at sa ating trabaho ng hindi nawawala ang ating drive para mag-excel at umasenso?

Tip #1: Develop contentment by being thankful for what you have. Sa bawat regalo o pagpapalang natatanggap mo matuto tayong magpasalamat. Stop comparing yourself with others kung ayaw mong mainggit at maging miserable. Kasi kapag palagi nating ikunukumpara ang sarili natin sa iba, kahit na marami kang natamo at narating na sa buhay, pakiramdam mo ay may kulang pa rin. Make it a habit to count your blessings. Be intentional in being thankful.

Tip #2: Develop contentment by sharing what you have with others. Gawing regular na bahagi ng buhay mo ang magbigay at tumulong sa iba. When you are not focused on your own needs but are sensitive to the needs of others, mas madaling maging kuntento. Makikita mo na higit pa ang pangangailangan ng iba kaysa sa inaakala mong iyong problema.

Tip #3: Develop contentment by having a vision of the eternal. Kung ang focus mo ay material na buhay lamang sa mundong ito, maaaring mahirapan ka ngang maging kuntento dahil nakatuon ka sa pag-acquire ng mga bagay na gusto mo. But if we have an eternal perspective, mauunawaan nating, wala ni isa sa mga material acquisitions, maging ang tagumpay na mayroon tayo ngayon ang madadala natin sa eternity. Sabi nga ni King Solomon, "it is all vanity, meaningless and a chasing after the wind". In life and in eternity, Christ is really all that we need.

Develop contentment by being thankful, by sharing what you have with others and by having a vision of the eternal. Madalas ang sobra-sobra ay hindi nakabubuti sa atin. Kapag sobra ang iyong kinain, tiyak empacho ang iyong aabutin. Kapag nasobrahan ka sa pagtatrabaho at paggawa, baka naman ma-overfatigue ka. Ang dapat ay yung sakto lang, tama lang, just right, ika nga.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY

03/12/2022

PROTIPS - Dec 1, 2022
Value Your Words

Sa maniwala ka't sa hindi, may impluwensiya ka at makapangyarihan ka. Intentional ka man o hindi, ang bawat binibitiwan mong salita ay may epekto sa ibang tao. Naranasan mo na bang may nainspire, natuwa o kaya naman ay nagalit sa iyo dahil sa sinabi mo, pero hindi mo naman maalala kung ano ang binitiwan mong salita? Your words have power, kaya dapat ay gamitin natin ito upang magbigay buhay, kaliwanagan at inspirasyon sa iba.

Sa Proverbs 12:18-19 ay mayroong ganitong paalala, "The words of the reckless pierce like swords, but the tongue of the wise brings healing. Truthful lips endure forever, but a lying tongue lasts only a moment." Mabuting gamitin natin ang ating kakayahang magsalita upang maging pagpapala sa iba. Value your words. Paano?

1) Speak to encourage and not to put others down. Sa dami ng mga negatibong mensahe na naririnig at nababasa natin araw-araw, breath of fresh air na maituturing ang makarinig ng magandang balita at mga pananalitang totoo at positibo. Be that breath of fresh air in your workplace by bringing encouragement to others. Hindi naman ganoong kahirap ng mag-encourage sa iba. Simulan mo sa pamamagitan ng pagbati sa mga ginagawa nilang mabuti. Express your appreciation for good work which others are doing. Speak to encourage.

2) Speak to promote truth and not to spread lies. Mahalaga ang tiwala sa lahat ng relationship kasama na diyan ang mga ugnayang nabubuo dahil sa iyong trabaho o negosyo. Mas magiging matatag ang business relationship mo sa iba kung may tiwala, kaya nga may librong naisulat si Stephen Covey na "At The Speed of Trust". Pagsumikapan mong patatagin ang tiwala ng iba sa iyo sa pamamagitan ng pagsasabi ng kung ano ang tama at totoo.

3) Speak to inform, instruct and inspire. Gusto mo bang pakinggan at pahalagahan ng iba ay mga sinasabi mo? Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga sasabihin at tiyaking ito ay makatutulong para maghatid kaliwanagan sa mga nalilito, magturo sa mga di alam kung ano ang gagawin at magbigay lakas ng loob sa mga gusto ng bumitiw.

Value your words and speak life.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

03/12/2022

PROTIPS - Nov 29, 2022
Responding to Change

Mabilis ka bang nakapag-aadjust sa mga pangyayaring hindi ayon sa iyong plano? O agad kang nadidiskaril kapag ang plano mo ay hindi nasunod? There are many things in life and at work that are beyond our control. Hindi mo kontrolado ang oras ng ibang tao? Wala rin sa iyong mga kamay kung ano ang iisipin, sasabihin o gagawin nila. Minsan nga ang linaw-linaw ng usapan na sa ganitong oras o araw niya tatapusin ang trabaho, after one decade, wala pa rin ang obligasyong ipinangako. While unplanned changes can be frustrating, maaari namang magkaroon ito ng magandang bunga kung magiging maayos ang response natin dito.

Kung tama ang ating response, ang pagbabagong hindi planado ay isang magandang pagpapala pa rin. So how should we respond to changes?

1) Believe that something better is in store. Kapag hindi natuloy ang pinaplano mo, ibig sabihin lamang ay hindi pa ito napapanahon o kaya naman ay may ibang mas magandang bagay na gustong gawin ang Diyos sa buhay o career mo. Kaya nga, may kasabihang kung gagawa ka ng plano, huwag permanent marker ang panulat mo. Dapat lapis lang para pwede itong burahin o baguhin kung kinakailangan. If you focus on the sovereignty of God, you will not be surprised when change happens. Kasi ang mga pagbabago sa plano ay paalala lamang na hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay, ngunit ang mga ito ay nasa kamay ng Diyos. God's plans are always better than ours. Sabi nga sa Jeremiah 29:11 " For I know the plans that Ihave for you,’ declares the Lord, ‘plans for welfare and not for calamity to give you a future and a hope." (NASB)

2) Be flexible and move on. Huwag mong kapitan ng napakahigpit ang iyong mga plano, para hindi masyadong masakit o nakaka-disappoint kapag ito ay nabago. Always maintain an attitude of flexibility para mabilis kang makapag-adjust o maka-move on kapag may pagbabagong nangyari. Mabilis ang changes ngayon lalo na sa technology. Hindi mo pa nga nadidiskubre lahat ng features ng smart phone mo, may bagong model na agad na lalabas. Maiiwan tayo sa mga pagbabago kung hindi tayo flexible.

3) Be anxious for nothing. Ang sabi sa Philippians 4:6, "Be anxious for nothing, but in everything by prayer and supplication, with thanksgiving, let your requests be made known to God." Totoo namang hindi ganoong kadali ang mag-adjust sa pagbabago. Pero tandaan mo ito, difficult and impossible are God's business. Ang mahirap sa atin, napakadali sa Kanya. So when something or someone frustrates your plans and you find it difficult to accept, don't worry, don't be anxious, trust God instead.

Kapag may inaasahan kang hindi natupad, kapag may plano kang hindi nangyari, may mas magandang tugon kaysa sa magalit, mag-alala o malungkot. You can choose to believe that something better is in store. You can also be flexible and move on. And you can choose not to be anxious but to trust in God instead.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

03/12/2022

PROTIPS - Nov 28, 2022
Look Beyond

May kasabihang, "Don't judge a book by its cover". At totoo nga naman, may mga tao, bagay at pangyayari tayong nahusgahan na ng dahil lamang sa first impression o unang pagsubok natin dito. Kung hindi naging maganda ang ating karanasan, agad na nadadala na tayo. Learn to look beyond what is visible.

Naaalala mo siguro ang kwento ng batang may dalawang tinapay at limang isda sa Biblia. Nung makita ito ng mga alagad ni Hesus, ang nakita nila ay ang kakulangan, pero ng makita ito ni Hesus, ang nakita Niya ay ang potensiyal para gawin itong isang himala. Out of the two loaves of bread and five pieces of fish, Jesus fed thousands.

Why should we look beyond what is visible?

1) People can be so much more than who they are today. Iwasang husgahan ang isang tao base sa kung sino at ano siya ngayon. Tumingin ka sa potensyal. Ano ang pwede niyang marating pa. Maaaring ang isang ordinaryong tao na willing matuto, matiyaga at pursigido ang maging susunod na supervisor sa kumpanya mo kung mabibigyan lang siya ng pagkakataon na ma-train. Look beyond first impressions.

2) Always have room for expansion. Kung nagsisimula pa lang ang negosyo mo ngayon, tandaan mong kung gagawin ninyo ito ng tama, mayroon kayong potential para lumaki at umasenso. Think big and aim for expansion.

3) Live out each day with hope for a better tomorrow. Hindi mo nakikita o nalalaman kung ano ang mangyayarisa hinaharap. Pero kung araw-araw ay nagtatanim ka ng kasipagan,kahusayan at kabutihan sa trabaho mo o sa negosyo mo, alam mo na magbubunga ito ng tagumpay sa hinaharap. The principle of sowing and reaping is universal. Kung tamang binhi ang itatanim mo ngayon, kahit hindi mo pa makita, alam mong mayroon itong magandang ibubunga.

Ang sabi nga sa Hebrews 11:1, "Faith is the assurance of things hoped for, the conviction of things not seen." Look beyond what is visible.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

03/12/2022
03/12/2022

PROTIPS - Nov 25, 2022
Building Trust

Ang tiwala ay mahalagang pundasyon sa matagumpay na pagtatrabaho at pagnenegosyo. Ang sabi nga ni Zig Ziglar, "If people like you they will listen to you. But if they trust you, they will do business with you." Bago ibigay sa iyo ng ibang tao ang kanilang tiwala, madalas ay kailangan mong pagsumikapang makuha ito. Paano nga ba nakukuha at napapatatag ang tiwala sa ating trabaho at negosyo? Pag-usapan natin ito ngayon.

Ano nga ba ang iba't-ibang paraan para higit tayong maging trustworthy o katiwatiwala?

1) Be authentic. Kung sino ka kapag kaharap mo ang iyong katrabaho o kliyente, dapat ganoon ka pa rin kahit hindi ka na nila nakikita. Kung ano ang mga salitang binibitiwan mo tungkol sa isang kamanggagawa kapag wala siya, dapat ay kaya mo pa rin itong sabihin kapag magkaharap na kayo. Authenticity requires that you walk your talk. Ang sabi ng social medial marketing expert na si Chris Brogan, "Own your words.Your words are maps to your intentions." Huwag kang mangako kung di mo naman kayang tuparin. Ang iyong salita ay dapat lamang na makita sa iyong gawa.

2) Build healthy relationships. Mas madaling magtiwala sa mga taong kilala mo at kilala ka. Kaya mahalagang maglaan ng panahon para kilalaning lubos ang iyong mga kasama. Ang pagkain ng sama-sama ay magandang paraan magkakilanlanan. Ang kwentuhan habang nagkakainan ay mabuting gawain na nagbubukas ng oportunidad para higit na lumalim at tumatag ang ugnayan ng inyong team. People are more relaxed and more open to share about themselves when they are eating.

3) Be competent. Kung gusto mong makuha ang tiwala ng iyong mga ka-opisina, boss at kliyente, pagbutihin at galingan mo ang iyong trabaho. The quality of your work is the best proof that will convince others to trust you. Kahit na napakahusay mong magsalita kung di ka naman maasahan sa trabaho, ang magandang pananalita ay balewala.

Build trust by being authentic, by nurturing healthy ties and by being competent. May nakapagsabing, "Trust takes years to build, seconds to break and forever to repair." Huwag mong balewalain ang tiwala ng iba sa iyo. Pahalagahan, pag-ingatan at patatagin mo ang tiwalang ito.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

03/12/2022

PROTIPS - Nov 24, 2022
Courageous Living

Ano nga ba ang susi ng pamumunong may paninindigan at tapang na kailangan natin sa ating buhay at trabaho? May magandang paalala sa atin sa Joshua 1:7-8 tungkol sa kahalagahan ng lakas ng loob at katapangan, "Only be strong, and very courageous, then you will make your way prosperous, and then you will have good success." Ang tagumpay ay para sa mga may matibay na kalooban.

You need courageous leadership to succeed in life and in business. At paano natin ito isasabuhay?

1) Real courage is not the absence of weakness but the ability to overcome it. Ang tunay na katapangan ay hindi naman kawalan ng kahinaan. Lahat tayo ay may weakness. Lahat tayo ay may flaws. Ngunit hindi mo hahayaan na pigilan ka ng iyong weaknesses para abutin ang mga mithiin mo. Ang pagkilala sa iyong kahinaan at kakulangan ay isang hakbang tungo sa katapangan. To overcome these weaknesses is real courage.

2) Real courage is recognizing your need for others. Katapangan din ang pagkilala na kailangan mo ang tulong ng ibang tao. We are stronger when we work with others. May mga bagay na natatakot tayong gawin kung mag-isa lamang tayo. Pero kapag may kasama na tayo, lumalakas ang ating loob hindi ba? Draw courage from the people you value and trust.

3) Real courage is possible in Christ. Maraming bagay sa trabaho at buhay natin ang hindi tayo maglalakas loob na gawin kung nakatuon tayo sa sariling lakas lamang natin. But focus on who God is, focus on what Christ has done for you and you will be courageous to face life's challenges. Isa sa mga battle cry ko sa tuwing ako'y panghihinaan ng loob ay ang Philippians 4:13 "I can do all things through Christ who strengthens me." Kapag kailangan mo ng tunay na katapangan, lumapit ka sa Diyos at sa Kanya ka humingi ng lakas ng kalooban.

Kailangan mo bang maging matapang para harapin ang mga problema mo sa trabaho at negosyo? Real courage is not the absence of weakness but the ability to overcome it. Real courage is recognizing your need for others. Real courage is possible in Christ.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

03/12/2022

PROTIPS - Nov 22, 2022
What Good About Rejection?

Kapag mayroon kang gustong-gustong mangyari sa trabaho o negosyo mo kaya lang ay hindi ito naaprubahan ng dapat na magbigay ng go signal, ano ang gagawin mo? Tiyak na makararamdam ka ng disappointment. Baka nga mainis o medyo magalit ka pa dahil hindi makita ng boss o kliyente ang value o potential ng iyong proposal. So what should you do when your idea is rejected? Paano nga ba maka-move-on buhat sa mga disappointing na kaganapan sa opisina? Subukan nating sagutin yan ngayon sa Protips.

Hindi sa lahat ng oras ay sasang-ayon ang iba sa gusto mong gawin o mangyari. Lahat tayo ay makararanas ng rejection sa iba't-ibang panahon at okasyon. Pero tandaan mo ito, rejection can be a blessing in disguise. Masakit sa simula, pero sa bandang huli ay makikita mong pwede itong magkaroon ng magandang bunga. Tatlong bagay ang gusto kong tandaan mo tungkol sa rejection.

1) Rejection is an opportunity to refine your proposal. Parang sa pagsusulat ng libro. Hindi naman sa unang pagpasa ng draft sa publisher ay maaaprubahan na agad ang isinulat mo. Ilang beses itong daraan sa mapanuring mata ng editor. Iparerebisa ito ng paulit-ulit hanggang sa makuha na pinakamagandang pagpapahayag ang mga ideya at kwento sa iyong libro. Hindi madali ang proseso, pero nagiging mas maganda at pino ang final product. If you are not willing to be rejected and corrected, then you are not prepared to succeed.

2) Rejection can lead to a better redirection. Maraming mahuhusay at kilalang tao ngayon ang makailang beses na nakaranas ng rejection. Si Soichiro Honda ang founder ng Honda Motors ay nireject ng Toyota Motors ng siya ay mag-apply sa kanila. Dahil dito, nagsimula siyang gumawa ng scooter na tinangkilik naman ng kanyang mga kapitbahay. Ang naranasang rejection ay naging daan para si Honda ay maredirect sa mas magandang oportunidad at negosyo. Hindi pala siya pang-empleyo kundi magiging founder pala siya ng malaking negosyo na kinalaunan ay naging competitor pa ng kumpanya na nagreject sa kanya. Rejection can be God's way of redirecting you to something better.

3) Rejection is motivation to press on. Ang sabi ni Sylvester Stallone "I take rejection as someone blowing a bugle in my ear to wake me up and get going, rather than retreat." Kapag ikaw ay hindi natanggap sa trabahong iyong pinag-applyan, huwag agad susuko. Sumubok pa sa iba. Alam mo bang noong unang mag-try out sa basketball team ng kanilang ekwelahan si Michael Jordan ay na-reject siya. Pero hindi siya nag-give-up. Mas lalo siyang nag-ensayo at nagpursige. Ngayon ay itinuturing siyang basketball icon at legend. Huwag mong hayaang takot ang maging epekto sa iyo ng rejection. Dapat ay maging motivation ito para ikaw ay magpatuloy at magsumikap.

Kahit ang Panginoong Jesus ay nakaranas ng rejection. Ang sabi sa Isaiah 53:3, "He was despised and rejected by mankind". Pero sa kabila ng di pagtanggap sa kanya ng tao, nagpatuloy si Jesus na gampanan ang kanyang misyon. He pressed on and obeyed God's will. Rejection can be a beautiful blessing wrapped in a unique package. Hindi man nangyayari ang gusto mo sa iyong trabaho o negosyo ngayon, kung tama ang ating attitude, makaaasa ka na "the best is yet to come".

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

03/12/2022

PROTIPS - Nov 21, 2022
Trouble or Triumph

Kapag ikaw ay nahaharap sa mahirap na sitwasyon sa business mo, ano ang iyong nakikita, problema o oportunidad? I am reminded of the story of the prophet Elisha's servant. Mababasa natin ito sa 2 Kings 6:15-17, " Kinabukasan, gumising ng maaga ang katulong ni Eliseo, nakita niya ang mga sundalo na nakasakay sa mga kabayo at karwahe na nakapaligid sa lungsod. Sinabi niya kay Eliseo, "Ano po ang gagawin natin, amo?" Sumagot si Eliseo, "Huwag kang matakot. Mas marami tayong kasama kaysa sa kanila. Nanalangin si Eliseo, "Panginoon, buksan po ninyo ang mga mata ng katulong ko para makakita siya." Binuksan ng Panginoon ang mga mata ng katulong, at nakita niya na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy ang kaburulan sa paligid ni Eliseo." Ang nakita ng katulong ay problema, ngunit ang nakita ni Eliseo ay ang tagumapay na ibibigay sa kanila ng Diyos. Ano ang nakikita mo sa iyong trabaho ngayon? Problema ba o oportunidad na magtagumpay?

How can we develop a positive view of the problems that we face at work?

1) Learn how others ended up triumphant despite great threats and difficulties. Wala namang problemang natatangi. Kahit paano'y may hawig din ito sa mga problemang pinagdaanan ng iba. Magandang pag-aralan ang case studies ng mga kumpanyang nalugi pero nakabangon at nakabawi. Mabuting matuto tayo buhat sa mga karanasan ng iba.

2) Instead of focusing on how big your problem is, focus on how big God is. Kapag sa problema ka lang nakatingin palagi, panghihinaan ka talaga ng loob at hindi mo makikitang ang solusyon pala ay nariyan lang sa tapat mo. Huwag problema ang pakatitigan mo, tignan mo kung gaano kalaki at ka-powerful ang Diyos na siyang tutulong sa iyo.

3) Remember that every problem provides a faith-stretching opportunity. Tumugon ka ng may paniniwala at pananampalataya sa Diyos sa tuwing mahaharap ka sa problema. Turn your problem to triumph by responding not in fear but in faith.

Kung may problema kang hinaharap ngayon sa trabaho o negosyo mo, hingin mo sa Diyos na buksan din Niya ang iyong mga mata, gaya ng pagbubukas Niya sa mata ng katulong ni Elisha upang makita niya na ang tagumpay ay nasa panig nila. May our eyes be opened so that we may see triumph even in troublesome situations.

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

03/12/2022

PROTIPS - November 18, 2022
Closed Doors Are Blessings

Naranasan mo na bang mapagsarhan ng pintuan ng MRT o kaya ay elevator? Yung bang umaasa kang makasasakay ka na pero hindi ka umabot at napagsarhan ka? Frustrating lalo na kung nagmamadali ka at may kailangang habulin. Pero alam mo, sa buhay at trabaho natin, may mga pagkakataong ang closed doors ay blessing din.

May awit na ang sabi ay, "When God closes a door, He opens a window." Minsan ay may mga inaasahan tayong proyekto na akala natin ay atin na pero napupunta pa sa iba. Posisyon na ipinangako na sa iyo, pero pagpasok mo isang araw, iba na ang nakapwesto. Aruy! Ang sakit! Pero kung talagang hindi para sa iyo, huwag mo ng ipilit. Huwag mo ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo. Paano nga ba nagiging pagpapala ang closed doors sa buhay o career natin?

1) Waiting for closed doors to open helps you develop patience. Kung naranasan mo ng maghintay na pagbuksan ka ng pinto o kaya ay magbukas ang isang business establishment, alam mong natuturuan tayo na maging mapagpasensiya ng paghihintay. Mahirap maghintay, pero mabuti para sa ating character ang paminsan-minsan ay naghihintay tayo. It is a test of one's patience and humility.

2) Closed doors provide protection. Madalas, ang tingin natin sa closed door ay kawalan ng oportunidad. Pero hindi ba sa mga bahay natin bago tayo matulog, tinitiyak natin na dapat ay hindi lang sarado kundi nakakandado pa ang mga pintuan natin? Bakit? Para sa ating proteksyon. God will sometimes allow doors of opportunities to close on us, for our protection.

3) A closed door will lead you to the right door. Kapag may nagsarang oportunidad sa negosyo mo, huwag mo masyadong damdamin o ikalungkot dahil maraming beses na ito ang nagiging daan para mahanap natin kung ano pala ang oportunidad na talagang para sa atin. Save yourself from unnecessary heartaches. If God says, "no", relax. He has a better plan for you.

May mga nagsarang pintuan ba diyan sa trabaho o negosyo mo? Remember, even a closed door can be a blessing . Ang sabi nga sa Romans 8:28, "And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are called according to his purpose."

BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!

Address

San Agustin
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639338104053

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talent Acquisition posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Talent Acquisition:

Share