14/07/2024
Mga Marites magbasa na para may maibalita:
Nakakatakot pala bumyahe pag papadilim na at naka motor lang;
So ito na nga ang ganap; pauwi na kami galing baguio; hapon na nun at makulimlim ang kalangitan may kunting ambon na nga at dahil naka motor kami sadyang binagalan namin ang takbo kasi madulas ang kalsada. Habang baybay namin ang kahabaan ng kalsada walang imikan para bang ang pokus lang ng driver ay sa kalsada. Maayos kaming nakalagpas ng irisan and sabi ko "one down sususnod yung pinya naman" hindi umimik ang driver. Paglagpas namin ng Pinya susunod naman ang burgos pero bago ang burgos may madadaanan kaming sharp curve; papalagpas pa lang kami ng may mapansin kaming dalawang pulis na para bang nagaabang ng huhuliin hindi kami tumigil kasi hindi naman kami pinara parang wala lang; hindi rin naman kami kinakabahan kasi alam naman namin na kumpleto at updated ang rehistro namin. Nakalagpas na kami sa munisipyo ng Burgos at babaybayin na namin ang kalsadang liko liko at kukunti na rin ang mga bahay; nagulat kami may bumubusina sa likod namin paglingon ko nakasunod na samin yung dalawang pulis at napakalakas ng busina nila alam kong kami ang binubusinahan nila dahil wala naman kaming kasabay na mga sasakyan; sabi ko sa driver " baka kailangan nating tumigil kasi parang pinapatigil nila tayo "; hindi umimik ang driver ang nasabi nya lang ay"kumapit ka ng mahigpit delikado"; kinabahan na ako hindi ko ito inaasahan at sa tanang buhay ko hindi ko pa nararanasan ang ganito. kumapit ako ng mahigpit at hindi lumilingon sa likuran dahil patuloy parin kaming hinahabol ng dalawang pulis na naka motor din. Sa takbo ng motor na 40 tumaas ito sa 60-70-80 to 90. hindi na iniinda ng driver ang dulas ng kalsada; takot na takot ako at nanginginig na; sabi ko "Diyos ko huwag mo kaming hayaang mapahamak. patuloy ang paghabol ng mga pulis samin at hindi rin kami tumigil hanggang nakarating kami sa may Police Station ng Naguilian saka kami tumigil; atleast dito alam namin na may poprotekta samin kc alam namin na wala kaming kasalanan pero sa pagtataka namin sinundan parin kami ng dalawang pulis hanggang dito. Nagulat talaga ako kung bakit kami sinundan..........