11/02/2026
SSS EXPLAINED FOR BUSINESS OWNERS & PROFESSIONALS (Basahin Mo Ito Bago Ka Kabahan)
Trending ngayon ang SSS sa social media.
Maraming negosyante at freelancers ang natatakot, lalo na kapag naririnig ang salitang kaso o warrant of arrest.
Bilang accountant, linawin natin ito nang maayos — walang pananakot, puro facts lang.
✅ Ano ba talaga ang SSS?
Ang SSS (Social Security System) ay hindi buwis.
Ito ay social protection program sa ilalim ng Republic Act No. 11199 (Social Security Act of 2018) para may proteksyon ang nagtatrabaho kapag:
• nagkasakit
• na-disability
• nag-retire
• namatay ang breadwinner
• o may maternity benefit
Ibig sabihin, safety net ito ng workers — empleyado man o self-employed.
✅ Sino ang may obligasyon sa SSS?
Tatlong klase ng members ang madalas:
1. EMPLOYER
Kapag may empleyado ka, obligado kang:
- mag-register bilang employer
- i-report ang employees
- mag-remit ng contributions buwan-buwan
Kahit maliit ang negosyo.
Dito nagkakaroon ng problema kapag:
• may empleyado pero hindi nireport
• may deduction pero hindi inihulog
• o tuloy-tuloy ang non-compliance
Ito ang mga sitwasyon na puwedeng umabot sa kaso.
2) EMPLOYEE
Automatic na covered.
Employer ang nag-aasikaso ng hulog.
3) SELF-EMPLOYED
Ito ang madalas nalilito.
Kung ikaw ay:
• freelancer
• tutor
• consultant
• online seller
• professional na solo
• sole proprietor na walang empleyado
👉 SELF-EMPLOYED ang status mo.
Ikaw lang ang naghuhulog para sa sarili mo.
Hindi ka employer kung wala kang empleyado.
*Common Misconception
❌ May negosyo = automatic employer
Hindi totoo.
Kung ikaw lang ang nagtatrabaho sa negosyo mo:
👉 hindi ka required kumuha ng employer number
👉 wala kang employer contribution
👉 self-employed coverage lang
Kailan nagiging problema?
Kapag may kahit isang tao na:
• helper
• assistant
• part-time worker
• technician
• kamag-anak na may bayad
Sa mata ng SSS, empleyado na yan.
Kahit walang kontrata.
Doon nagsisimula ang employer obligation.
✅ Hindi lahat ng SSS issue ay criminal
Importante ito.
Nagiging criminal case lamang kapag may:
✔ willful failure to comply
✔ unreported employees
✔ unpaid contributions despite obligation
Maraming SSS issues ang naaayos sa compliance at settlement.
✅ Reality Check para sa Small Business Owners
Maraming negosyo ang nagsisimula muna bago maging fully compliant.
Hindi ibig sabihin masama ang negosyante.
Pero habang lumalaki ang negosyo, kailangan ding sumabay ang sistema at compliance.
Mas mabuti ang maagang pag-intindi kaysa panic kapag may notice na.
Ang goal ng SSS ay hindi para pahirapan ang negosyo — kundi protektahan ang nagtatrabaho.
Kasama ka doon kung self-employed ka.
Padayon, Ka-Accountants.
Ctto