25/05/2026
TIGNAN!
Bilang bahagi ng kanilang patuloy na inisyatiba at pakikipag-ugnayan sa mga katuwang ng programa, bumisita kahapon ang mga kandidata at pamunuan ng Ginang San Joseño 2026 sa Mireya Skin by Dr. Macy Noreen Sevilla
Ang Mireya Skin ay kinikilalang nag-iisang Super Diamond Sponsor ng Ginang San Joseño 2026—isang mahalagang katuwang na patuloy na nagbibigay suporta sa adbokasiya ng kagandahan, kalusugan, at empowerment ng kababaihan sa Lungsod ng San Jose del Monte.
Sa kanilang pagbisita, hindi lamang muling naipakita ang matibay na ugnayan ng pamunuan ng Ginang San Joseño at ng Mireya Skin, kundi nakaranas din ang mga kandidata ng libreng facial service. Bukod pa rito, tinignan ang estado ng kanilang balat sa pamamagitan ng makabagong Skin AI Analyzer—isang teknolohiyang bukod-tanging Mireya Skin lamang ang nagmamay-ari sa buong San Jose del Monte. Ang karanasang ito ay nagbigay ng inspirasyon at dagdag na kumpiyansa sa mga kalahok, na tunay na sumasalamin sa pangangalaga at malasakit ng Mireya Skin.
Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng Ginang San Joseño sa Mireya Skin sa kanilang walang sawang pagtitiwala at suporta. Kasabay nito, buong puso rin silang humihingi ng paumanhin sa naging konting hindi pagkakaunawaan sa schedule ng nasabing sponsors visitation. Ang pagkakamaling ito ay nagsilbing paalala na sa kabila ng mga hamon, nananatiling bukas ang komunikasyon at pagtutulungan upang mas maging maayos ang mga susunod na aktibidad.
Sa bawat hakbang ng Ginang San Joseño 2026, nakikita ang diwa ng pagkakaisa, respeto, at pasasalamat—mga haliging patuloy na magdadala ng tagumpay sa programa at sa lahat ng kababaihang San Joseña.