22/08/2026
Avoid Scammers , basahin at madagdagan ang kaalaman.
Ano ba talaga ang RENT TO OWN?
Ang tunay na Rent-To-Own sa batas ay Lease with Option to Purchase.
Ibig sabihin:
1. Nangungupahan ka muna. Tenant ka, hindi pa owner.
2. May kontrata kayo na after 1, 2, 5 years, pwede mo BILHIN yung tinitirhan mo. Yung binayad mong renta, may parte na mapupunta sa downpayment.
3. Kung hindi mo binili sa dulo, hindi mo makukuha yung bahay. Renta lang lahat yun.
4. Habang nangungupahan ka, hindi pa sayo naka-pangalan. Hindi ka pa pwedeng magpa-renovate, magpaloan, etc.
Ito yung ginagawa ng DHSUD Rental Housing, ng ibang condos, at ng mga foreclosed na pinapa-rent-to-own talaga ng bangko. Bihirang-bihira ito.
Ano yung ginagawa ng mga ahente na tinatawag nilang "Rent To Own"?
Ito yung nakikita mo sa Facebook:
"RENT TO OWN House and Lot sa SJDM! 10k monthly lang! Lipat agad!"
Pero pag tinanong mo, ganito pala:
β’ Preselling pa lang, 2 years pa bago ma-turnover β’ Kailangan pa magbayad ng equity / downpayment ng 18 months β’ After equity, kailangan pa ma-approve sa PAG-IBIG o Bank loan β’ Hulugan pala ng 20-30 years
Hindi yan Rent To Own. Hulugan yan. Installment Sale yan.
Bakit MALI at DELIKADO yang ads na yan?
1. Misleading Advertising - Bawal sa DHSUD.
Ayon sa PD 957 at DHSUD advertising guidelines, bawal ang misleading sa ads. Kapag sinabi mong Rent To Own pero ang totoo ay Preselling Installment, pwede kang i-report ng buyer sa DHSUD. Pwede ka ma-suspend ang License to Sell ng developer at pwede ka masabihan ng RESA violation.
2. Pinapaasa mo si Buyer na parang UPA lang.
Akala ni buyer: "Ah parang nangungupahan lang ako, 10k lang, lipat agad, walang bank."
Reality: Need pa ng 2 valid IDs, payslip, COE, ESAV, need ng good credit, need ng 100k+ na equity, at 1-2 years pa bago lumipat. Kapag hindi na-approve sa PAG-IBIG, hindi siya makakalipat. Dyan nagsisimula ang galit at "scam" comments.
3. Walang Rent Control Protection.
Kapag totoong nangungupahan, protected ka ng Rent Control Law. Sa hulugang bahay, hindi. Kapag hindi ka nakabayad ng 2 months, hindi ka pa-evictin as tenant, pero ma-cancel ang Contract to Sell mo.
Mas malakas pa nga ang "HULUGAN" at "Thru PAG-IBIG" kasi . Mas naiintindihan nila.
Formula ng safe at bentang-benta na ads:
Hulugan na Bahay at Lupa sa | Thru PAG-IBIG / Bank
10k/mo Equity, 12k/mo PAG-IBIG Amortization
Complete Requirements + License to Sell No.[Location]
Ganyan, hindi ka na misleading, at alam ni buyer na utang talaga ito, hindi upa.