02/09/2026
🇵🇭 PAGGUNITA SA UNANG SIGAW NG NUEVA ECIJA
📅 Setyembre 2, 2026
Ngayong araw, ating ginugunita ang makasaysayang Unang Sigaw ng Nueva Ecija—isang mahalagang yugto sa pakikibaka ng mga Novo Ecijano para sa kalayaan noong Setyembre 2, 1896.
Sa pangunguna nina Mariano Llanera ng Cabiao at Pantaleon Valmonte ng Gapan, kasama ang libo-libong magigiting na rebolusyonaryo, ipinamalas ng ating mga ninuno ang tapang, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan. Noong araw na iyon, nilusob ng mga rebolusyonaryo ang San Isidro, na noon ay kabisera ng Nueva Ecija.
Sa paggunita natin sa araw na ito, nawa'y manatiling buhay sa ating mga puso ang kanilang halimbawa ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.
Mabuhay ang mga Novo Ecijano!
Mabuhay ang Nueva Ecija! 🇵🇭