10/06/2024
Hindi natin mababago o makukuha ang isang bagay kung hindi natin ito susubukan dahil natatakot tayo sa kalalabasan.
Pwedeng hindi talaga natin alam ang kalalabasan ng mga gagawin natin, pero kung ito ay ikakabuti at alam natin makakatulong sa paglago natin, dapat hindi tayo mangamba kasi ang pagkabigo ay kasama talaga sa proseso bago tayo matuto at manalo.
Ang failure ang isa sa mga bagay para magbago ang buhay natin, dito natutunan natin ang ating pagkakamali, dahil kapag nag-fail tayo don lang natin mas maiintindihan kung ano ang dapat gawin bago mag-tagumpay sa isang bagay o sa buhay.
Sabi nga ni John F. Kennedy
"Those who dare to fail miserably can achieve greatly."
“It is better to make a thousand failures than to be too cowardly to ever undertake anything.” - Clovis G. Chappell
Huwag tayo matakot sumubok baka yung kinatakot nating hakbang lang pala ang hinihintay para magbago ang ating buhay.
Ito ang sabi sa
Isaiah 41:10
"So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand."
Sa tagalog
"Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas."
Ibigay natin ang lahat ng tiwala natin sa Diyos , dahil Siya lamang ang makakatulong sa atin, lahat ng takot at pangamba ay mawawala kapag buo ang tiwala natin sa Kanya.
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! 🙏🏽☝️❤
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! 😉
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/