21/02/2023
"Accountant ka di ba? Bat di ka nagtatrabaho? Nagbe-bake ka lang? Nagtitinda ka lang?"
Madalas hinuhusgahan tayo ng ibang tao sa mga desisyon natin sa buhay lalo na kapag usapang career. Para bang merong standard na kapag graduate ka ng college, dapat office ka nagwowork. Dapat trabaho ka 9am to 7pm ganon. Na parang maling desisyon ang magresign at magstart ng maliit na negosyo. Na sayang ang pinag-aralan. Relate ba kayo? Bakit ganon no? 😅
Anyway, tong nasa picture pala 1st customized cake order ko yan. Kakastart ko lang ng baking business at kung ano ano pa. Masaya ako sa ginagawa ko. Wala akong tinatapakang tao. At wala po akong sinayang. Hindi man ganon kalaki ang kita ko ngayon, wala katumbas na halaga ang saya na meron ako. 😊 Hindi ko sinasabing di na ko babalik sa corpo ah, mahirap magsalita ng tapos. 🤣Ang sakin lang, masaya ako ngayon sa ginagawa ko. Anong point? Haha. Wala naman. Basta maging masaya na lang tayo para sa ating kapwa. Support na lang ganern. Wala naman mawawala😊