SMDH Animal Bite Treatment Center

Directions

SMDH Animal Bite Treatment Center San Marcelino District Hospital
Anti- Rabies Vaccination

October 1-2, 2026San Marcelino District HospitalRabies Prevention and Control ProgramTraining on the Management of Rabie...
02/10/2026

October 1-2, 2026

San Marcelino District Hospital
Rabies Prevention and Control Program
Training on the Management of Rabies Exposure

Malugod na tinanggap ng tanggapan San Marcelino District Hospital-Animal Bite Treatment Center sa pangunguna ng butihing hepe, Dr. Cresencio T. Gonzales Jr., Nurse III Mark Anthony P. Malixi, ABTC coordinator at ibang staff, ang mga Doktor at Narses mula sa kalapit na mga probinsya tulad ng Pampanga, Bataan at Zambales upang tapusin ang kanilang praktikum patungkol sa Animal Bite Treatment and Management. Ito ay isa sa mga kailangan/ requirements upang maipasa ang kanilang traning sa Animal Bite Exposure Management na ginanap mula Oktubre 1 hangang 2, 2026.

Ang naturang praktikum ay isinagawa upang masiguradong ang mga doktor at narses ay may tamang kaalaman at husay sa panggagamot ng mga pasyenteng nakagat o nakalmot ng hayop na posibleng may dalang rabis. Ito rin ay upang masiguro na sila ay sumusunod sa tamang patakaran at polisiya ng Department of Health.






---
Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

September 28, 2026โ€œSTRONGER TOGETHER, for a rabies-free communityโ€Bilang pag-gunita sa World Rabies Day, ang San Marceli...
28/09/2026

September 28, 2026

โ€œSTRONGER TOGETHER, for a rabies-free communityโ€

Bilang pag-gunita sa World Rabies Day, ang San Marcelino District Hospital-Animal Bite Treatment Center ay nagsagawa ng maikling programa tungkol sa Rabies.

Tinalakay sa programa ang kahalagahan ng Responsible Pet Ownership, ang kahalagahan ng agarang pagbabakuna at kung paano maiiwasan ang Rabies. Itinuro din dito kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin sa tuwing makakagat o makakalmot ng mga hayop. Kasama din sa programa ang pagtalakay sa mga tama o wastong pag-aalaga sa mga sugat na sanhi ng pagkakagat ng mga hayop.

Ano ang Rabies?
Ang rabies ay isang nakamamatay na viral infection na nakukuha mula sa mga hayop na mayroong rabies virus. Nakakamatay ito para sa mga hayop at sa mga tao.

Paano nakukuha ang Rabies?
โ€ข Nakukuha ang rabies mula sa laway ng infected na hayop. Karaniwang naipapasa ito kapag kinagat ng infected na hayop ang isang tao.
โ€ข Naisasalin din ito sa tao mula sa pagdila o kalmot ng hayop.
โ€ข Kapag nakagat ng hayop na may rabies, kakalat ang virus sa nervous system. Nakakamatay at wala nang lunas sa rabies kapag kumalat na ang virus, lalo na kapag nagpakita na ng sintomas ang biktima.

Ano ang mga Sintomas ng Rabis sa Tao
โ€ข Pananakit ng ulo at lagnat
โ€ข Pananakit at pamamanhid sa parte ng sugat
โ€ข Pamamanhid ng kalamnan
โ€ข Pagkatakot sa tubig at hangin Ano ang mga Senyales na may Rabis ang Hayop
โ€ข Pagiging agresibo
โ€ข Matinding paglalaway
โ€ข Takot sa tubig at Liwanag
โ€ข Hindi mapakali o balisa
โ€ข Pagkaparalisa ng isa o higit pang paa ng hayop
โ€ข Ang pagkain ng lupa o anumang bagay na walng nutrisyon. Ano ang mga Dapat gawin kapag nakagat o nakalmot ng Hayop?
โ€ข Kapag nakagat ng aso o pusa, agad na gamutin at linisin ang sugat.
โ€ข Agad hugasan ang sugat sa dumadaloy na malinis na tubig at sabonan sa loob ng 10 hanggang 15 minutos. Huwag itong paduguin o piliting paduguin.
โ€ข Maaring pahiran ng alcohol o betadine ang sugat na nakagat. Huwag papahiran ng ointment o cream ang sugat.
โ€ข Huwag tatakpan ang sugat kapag hindi naman ito madugo.
โ€ข Agad magtungo sa pinakamalapit na animal bite center.

Ano ang dapat gawin sa Hayop na nakakagat ng Tao?
โ€ข Obserbahan ang aso sa loob ng 10 hanggang 14 na araw matapos itong makakagat. Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan (doktor o veterinarian ) kung makita ang mga sumusunod na senyales: โ€“ Agresibo โ€“ Matinding paglalaway โ€“ Nangangagat ng mga gumagalaw o hindi gumagalaw na bagay โ€“ Hindi umiinom o kumakain โ€“ Pagkamatay ng aso sa loob ng 14 na araw
โ€ข Kapag hindi maaaring obserbahan ang aso (nakatira sa lansangan), ipagbigay alam agad sa doktor o city veterinarian ng lungsod.
โ€ข Kapag walang kakayanan na obserbahan ang alagang aso sa loob ng nakasaad na observation period, humingi na ng tulong sa pinakamalapit na Veterinary Office sa inyong lugar.

Ano ang mga Responsibilidad ng mga Nag-aalaga ng Aso at Pusa?
โ€ข Maging responsableng pet owner. Pabakunahan ang inyong alagang aso o pusa kontra rabies. Siguraduhin din na taon-taong bakunado laban sa rabies ang inyong mga alaga.
โ€ข Siguruhing nasa loob lamang ng ating tahanan o sariling bakuran ang ating mga alagang hayop. Kapag ilalabas para maglakad, gumamit ng leash o harness.
โ€ข Alagaan nang mabuti ang inyong aso o pusa, bigyan ng malinis na makakain at maiinom. Siguraduhin din na malinis ang kanilang kulungan o tulugan.
โ€ข Kapag nakakagat ng tao ang alagang hayop siguraduhing obserbahan ito sa loob ng 14 na araw, huwag sasaktan o papatayin ang alaga.
โ€ข Kapag namatay ang alaga, ipa-examine ang ulo neto para makasiguro kung anu ang sanhi ng pagkamatay.

Saan maaring magpunta kapag nakagat ng Hayop?
Ang San Marcelino District Hospital- Animal Bite Treatment Center ay DOH Certified at PHIC Accredited Center, Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes 8:00 am -5:00pm. Libre ang gamot para sa mga PhilHealth Member na Category 3 cases. (Mga Kinagat mula leeg hanggang Ulo, kinagat sa daliri ng kamay at paa, kinagat sa ari, mga may malalaki at madudugong sugat)
---



Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

FYIโ—โ—โ—
17/09/2026

FYIโ—โ—โ—

10/09/2026

Magandang balita, mga taga-Zambales!

Inaanyayahan ang lahat sa ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—น๐—ผ: ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ngayong ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ (mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM) sa San Marcelino District Hospital, Brgy. Linusungan, San Marcelino, Zambales.

Ang gawaing ito ay isasakatuparan sa buong suporta ng Provincial Government of Zambales sa pangunguna ng ating ama ng lalawigan, Governor Hermogenes E. Ebdane Jr.

Magiging bahagi ng libreng serbisyong medikal para sa publiko ang mga sumusunod:
๐Ÿ‘‰Mental health and neurology consultation, substance abuse counseling and free drug testing
๐Ÿ‘‰Nutrition and Dietary Counseling
๐Ÿ‘‰Alis Bukol
๐Ÿ‘‰Chest Xray for TB screening, treatment and surveillance
๐Ÿ‘‰Ultrasound guided biopsy
๐Ÿ‘‰Bunot ng ngipin
๐Ÿ‘‰Paps smear at Visual inspection with acetic acid (VIA)
๐Ÿ‘‰Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity
๐Ÿ‘‰Evaluation and issuance ng medical certificate para sa mga pasyente at kandidato para sa Person with Disability (PWD) card
๐Ÿ‘‰Endoscopy, EGD, at Colonoscopy
๐Ÿ‘‰2D Echo
๐Ÿ‘‰HIV AIDS STD counselling at testing
๐Ÿ‘‰Yakap registration para sa mga teachers, PWD, at iba pa
๐Ÿ‘‰Online tanungan sa Serbisyong Pangkalusugan na may sagot within 24 hours

Samantalahin ang pagkakataong ito para sa inyong kalusugan! Makiisa at ibahagi ang magandang balitang ito sa inyong mga pamilya, kaibigan, at kapitbahay.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong makipag-ugnayan sa aming Client /Patient Relations Officer sa triage area.



---
Sulong Kalusugan!
"Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay"

10/09/2026

๐Ÿ’™๐Ÿ’œThis September is Su***de Prevention Month๐Ÿ’™๐Ÿ’œ
May Pag-asa. May Tulong. May Bukas.
Sa panahong ito, sama-sama nating paalalahanan ang bawat isa na hindi kailangang harapin nang mag-isa ang mabibigat na pinagdaraanan.
Minsan, ang simpleng "Kumusta Ka?", pakikinig nang walang paghuhusga, o pag-aabot ng kamay ay maaring maging malaking tulong sa isang taong nahihirapan.๐Ÿค
๐ŸŒฑMakinig. Maging handang makinig nang walang paghuhusga.
๐Ÿ’šMagpakita ng P**i. Iparamdam na mahalaga siya at hindi siya nag-iisa.
๐ŸคฒMag-abot ng Tulong. Hikayatin siyang humingi ng tulong sa mga taong mapagkakatiwalaan at mga propesyonal.
โ˜Ž๏ธMaging Mapagmatyag. Huwag balewalain ang mga senyales ng matinding pinagdaraanan.
Hindi Kahinaan ang paghingi ng tulong, tanda ito ng lakas na kaya mong tanggapin sa iyong sarili na kailangan mo din ng tulong. Bilang isang "Tao",hindi tayo perpekto, minsan ay nangangailangan din tayo ng tulong at mayroon din naman tayong kakayanang magbigay ng tulong sa ibang nangangailangan.
Kung ikaw o isang taong kilala mo ay nahihirapan, makipag-usap, makinig at humingi ng tulong. Dahil bawat buhay ay mahalaga.โค๏ธ
๐ŸŒป May pag-asa. May tulong. May Bukas. Piliin ang Buhay. Pahalagahan ang isa't-isa.
***dePreventionMonth






Para sa mga katanungan maari po kayong magbigay ng mensahe sa aming FB Page SMDH Mental Health Unit

10/09/2026

Ang Leptospirosis ay maaaring magdulot ng malulubhang komplikasyon, ngunit ito ay naiiwasan!

Paalala ng DOH: Maging maingat sa paglilinis ng mga binahang bahay at bakuran!

โœ…Gumamit ng bota at takpan ang mga sugat gamit ang waterproof bandage kung hindi maiiwasang lumusong sa baha
โœ…Hugasan ang katawan gamit ang sabon at tubig matapos lumusong
โœ…Magpakonsulta sa health center kung lumusong sa baha para sa tamang rekomendasyon ng doktor


07/09/2026

๐†๐€๐’๐“๐‘๐Ž ๐ˆ๐๐“๐„๐’๐“๐ˆ๐๐€๐‹ ๐„๐๐ƒ๐Ž๐’๐‚๐Ž๐๐˜: ๐Œ๐€๐˜๐‘๐Ž๐Ž๐ ๐๐€ ๐’๐€ ๐’๐€๐ ๐Œ๐€๐‘๐‚๐„๐‹๐ˆ๐๐Ž ๐ƒ๐ˆ๐’๐“๐‘๐ˆ๐‚๐“ ๐‡๐Ž๐’๐๐ˆ๐“๐€๐‹!!!

๐Œ๐š๐ ๐š๐ง๐๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š!

Mayroon na po tayo at ginagawa na ang Gastro-Intestinal endoscopy ( esophagi- gastro- doudeniscopy at colonoscopy) sa ating SMDHospital.

Ito ay ang pag silip ng bituka gamit ang modernong FUJI Multi-LED Endoscope System. 6000 SYSTEM ELUXEO Lite na pinunduhan ng Pamahalaang Panlalawigan sa liderato ng ating ๐†๐จ๐›๐ž๐ซ๐ง๐š๐๐จ๐ซ ๐‡๐ž๐ซ๐ฆ๐จ๐ ๐ž๐ง๐ž๐ฌ ๐„. ๐„๐›๐๐š๐ง๐ž ๐‰๐ซ.

Sa mga kwalipadong mga pasyente, maghanda ng inyong Identification Card o ano mang kopya ng pagkakakilanlan at pinaka bago o updated na PhilHealth membership.

Para mas lubusan ninyong magamit ang benepisyong PhilHealth ay mabuting magpa rehistro sa SMDHOSPITAL Philhealth YAKAP clinic.

Upang mula sa inyong pagpapakonsulta at pagsusuri hanggang sa inyong pag galing ay kasama ninyo kami sa inyong kalusugan .

Para sa pag gabay at iba pang katanungan, maaring hanapin at magbigay ng mensahe sa mga sumusunod na mga na kawani ng San Marcelino District Hospital:

Information- Mr. Joel Soriano- 09475809760 - https://www.facebook.com/profile.php?id=61574604301094&rdid=aZBXQdYhqtHXzNLj&share_url=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fshare%2F1ARe63trnx%2F #

OPD Medicine- Nurse Marlo- https://www.facebook.com/SMDHOPDMEdicine

OPD Surgery- Nurse Paul- 09851146000 - https://www.facebook.com/smdhopdsurgery

Basahin ang mga karamdaman o indikasyon ng mga pasyente pasok sa ganitong Upper Gastro-intestinal Endoscopy at Colonoscopy examination.

----
Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

28/08/2026

๐—ช๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ถ๐—ณ ๐˜€๐—ผ๐—บ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฑ๐—ผ๐—ด๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐˜๐—ผ ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฐ๐—ต ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—น๐—ฑ ๐—ฏ๐—ฒ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฑ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ฎ ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ถ๐˜ ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ?

A new 2026 analysis evaluated serological data from experimental and field studies investigating the third-generation oral rabies vaccine strain SPBN GASGAS in dogs, including free-roaming populations from multiple countries.

The findings were encouraging:

โ€ข The antibody response was measurable and remained detectable over extended follow-up periods.
โ€ข Bait matrix, sachet type, and vaccine titre did not significantly affect the measured antibody response.
โ€ข At approximately one month after vaccination, antibody levels measured by ELISA were not significantly different between field and experimental dogs receiving the same egg-flavored bait.
โ€ข In the pooled field-study data, 83% of samples met the studyโ€™s ELISA seropositivity threshold after oral vaccination.

Onset of protective immunity is expected from 15 days after vaccination. Serological studies demonstrated persistence of antibodies at levels considered indicative of protective immunity for at least 30 months

Importantly, this study measured rabies virusโ€“binding antibodies (RVBA) using a blocking ELISA. That is not the same as directly measuring rabies virusโ€“neutralizing antibodies, and the authors caution that ELISA results are an approximation of protection rather than a direct measure of whether an individual dog is protected.

Still, the results add to the evidence that oral rabies vaccination could be a valuable complementary strategy for reaching free-roaming dogs that are difficult to access with conventional injectable vaccination campaigns.

Vos A, et al. Veterinary Immunology and Immunopathology. 2026;299:111193.

13/05/2026

๐๐š๐ฅ๐ข๐ค-๐„๐ฌ๐ค๐ฐ๐ž๐ฅ๐š ๐‘๐ž๐š๐๐ฒ, ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐š๐ค๐จ ๐š๐ฒ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก๐ฒ!

Handa na ba ang inyong anak sa panibagong school year?

Bago tumunog ang kampana at magbukas ang mga aklat, tiyakin natin na nasa pinakamagandang kalusugan ang mga mag-aaral .

Ang San Marcelino District Hospital, Department of Pediatrics, ay inaanyayahan ang lahat ng magulang at mga batang edad 6 hanggang 12 taong gulang na sumali sa aming Get-Ready-to-School LIBRE na Health Screening Program na idinisenyo upang masiguro na ang bawat estudyante ay malusog, malakas, at handang matuto.

Nagsasagawa kami ng mga sesyon upang ihanda ang mga bata bago magsimula ang pasukan.

Sa darating na 8 ng Umaga ng Mayo 20, 25 at 27, 2026, magbibigay kami ng mga maha-halagang health screenings upang matukoy ang mga posibleng problema bago ito makaapekto sa pag-aaral ng inyong anak

โ€ข ๐๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐š๐ซ๐ฒ ๐“๐ฎ๐›๐ž๐ซ๐œ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ ๐’๐œ๐ซ๐ž๐ž๐ง๐ข๐ง๐ : Libreng Chest X-ray at gamot.
โ€ข ๐€๐ง๐ž๐ฆ๐ข๐š ๐‚๐ก๐ž๐œ๐ค: Libreng Complete Blood Count at Blood typing
โ€ข ๐ƒ๐ž๐ฐ๐จ๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ: Libreng gamot kontra bulate
โ€ข ๐ƒ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐‚๐ก๐ž๐œ๐ค ๐ฎ๐ฉ ๐š๐ง๐ ๐…๐ฅ๐ฎ๐จ๐ซ๐ข๐๐ž ๐€๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Mga dapat dalhin at tandaan:
โœ…๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ :Dapat may kasama ang inyong anak na magulang o legal na tagapanggala
โœ…๐Œ๐ ๐š ๐ƒ๐จ๐ค๐ฎ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ : Mangyaring dalhin ang inyong Philhealth ID o Member Data Record para sa pagrerehistro sa hospital information system & records.
โœ…๐๐ข๐ซ๐ญ๐ก ๐‚๐ž๐ซ๐ญ๐ข๐Ÿ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ž:Mangyaring dalhin ang orihinal o kopya ng birth certificate ng inyong anak

โ€œAng batang malusog ngayon, handa bukas!โ€

Maraming salamat sa pamamahala ng ating Gobernador Hermogenes E. Ebdane Jr. at sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagbigay ng suporta sa Serbisyong Pangkalusugan.

---
Sulong Kalusugan!
Tatak SMDH: Serbisyong may Malasakit, Dedikasyon at Husay.

Address

SAN MARCELINO DISTRICT HOSPITAL
San Marcelino

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMDH Animal Bite Treatment Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share