01/09/2026
🎸 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐑𝐀𝐏, 𝐍𝐀𝐓𝐔𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃… 𝐏𝐄𝐑𝐎 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐑𝐀𝐏, 𝐌𝐀𝐘 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋𝐀𝐍. 🙏
Kung ang pangarap mo ay hindi man nakamtan, huwag agad isipin na failure ka.
Baka hindi ka lang para doon.
Baka may mas magandang plano si Lord para sa’yo. ❤️
Pangarap ko talagang maging sikat na banda. 🤘😂
Sinubukan ko naman noong dekada ’90.
Nakatugtog sa mga kilalang bars,
nakasama sa mga tugtugan ang mga kilalang banda,
at kahit papaano… muntik na rin! 😁🎸
Kaso dumating ang panahon na nag-asawa na ako.
Hindi na puwedeng puro Rock N’ Roll lifestyle! 😂
Kailangan nang mag-isip nang mas practical dahil, aminin natin— hindi talaga maaasahan ang kita sa banda para bumuhay ng pamilya.
Nagtrabaho ako sa Gobyerno, pero hindi ko rin iniwan ang musika.
Paminsan-minsan, tuloy pa rin ang pagtugtog.
Hanggang sa dumating ako sa IMG bilang Financial Educator.
At dito ko nakita ang isang bagay na mas malalim kaysa sa pangarap kong maging sikat na musikero:
PURPOSE. 🙏
Kung dati, nagbibigay ako ng saya sa pamamagitan ng musika,
ngayon nagbibigay ako ng pag-asa sa mga taong gustong makaalis sa pagkakautang, matutong mag-ipon, mag-invest at maghanda para sa kinabukasan.
🎸 Dati, tugtog para mapasaya ang tao.
💰 Ngayon, nagtuturo para makatulong magbago ng buhay.
At hanggang ngayon, tumutugtog pa rin ako—
pero ngayon, libangan na lang… at minsan organizer na rin ng mga concert para mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang banda na mahasa ang kanilang talento at baka sila naman ang matupad ang pangarap na minsan kong hinabol. ❤️
Hindi man natupad ang pangarap kong maging isang sikat na banda…
At least, nakarating.
Nakasubok.
Muntik nang makamit. 😁
At higit sa lahat, natutunan ko na:
Minsan, kapag hindi ibinigay ni Lord ang gusto natin, hindi ibig sabihin na kinalimutan Niya tayo.
Baka may mas maganda Siyang plano.
Baka may purpose na mas malaki kaysa sa pangarap natin.
Kaya Dream BIG. Believe in yourself. Work hard.
Pero kapag hindi nangyari ayon sa plano mo…
BELIEVE IN GOD’S PLAN. 🙏❤️
🎸 Baka hindi ka naging Rock Star…
pero baka ginawa kang Hope Star para sa ibang tao. 😁
May pangarap ka bang hindi natupad?
Baka hindi iyon ang ending.
Baka beginning pa lang ng mas magandang plano ni Lord para sa’yo. 🙏