14/06/2026
Minsan napapaisip ako... bakit ko pa ba ito ginagawa? 🥹
Personalized bawat isa. Ipi-print mo pa isa-isa. Iche-check kung tama ang spelling. Ika-cut, iaayos, ipapack nang maayos. Tapos ikaw pa ang sasagot sa inquiries, magbo-book ng shipment, at mag-aasikaso sa pamilya.
Hindi madali.
May mga araw na puyat ka na, pagod ka na, pero kailangan pa ring tapusin ang orders dahil may batang excited makatanggap ng personalized learning materials niya. ❤️
At oo, hindi mawawala ang kaba sa bawat COD order. Yung tipong naglabas ka na ng oras, effort, at puhunan, tapos may takot na baka hindi tanggapin o baka bogus buyer pala.
Pero sa kabila ng lahat ng hirap, sobrang thankful pa rin ako. 🙏
Thankful sa bawat parent na nagtitiwala. Thankful sa bawat order na dumarating. Thankful sa bawat batang natutulungan matuto gamit ang mga ginagawa namin.
Hindi man laging madali ang maliit na negosyo, pero bawat package na naipapadala ay paalala na may mga taong naniniwala sa ginagawa namin.
Maraming salamat sa inyong suporta. ❤️
From one hardworking mompreneur to all our amazing customers, thank you for keeping this dream alive. ✨