29/08/2024
Public Advisory mula sa PSA o PhilSys ** 📢
Alinsunod sa Public Advisory na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 13 Hunyo 2024, hinihikayat ang lahat na i-save ang inyong Digital National ID sa pamamagitan ng pag-screenshot nito at pagse-save sa inyong smartphone o kahit anong device.
Paalala rin na ang unauthorized printing, preparation, o issuance ng National ID ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 11055. Ang pagpi-print ng National ID sa PVC o anumang materyal nang walang pahintulot mula sa PSA o PhilSys ay labag sa batas at may kaakibat na legal na konsekuwensya.
Kahit tama ang mga impormasyon sa na-print na PVC card, ito ay itinuturing pa ring peke dahil wala itong mga security features. Tanging ang Bangko Sentral ng Pilipinas lamang, na may pahintulot mula sa PSA/Philippine Identification System, ang may karapatan na mag-print ng National ID na may mga kinakailangang security features.
Para maiwasan ang mga problema sa hinaharap, sundin ang mga patakarang ito at gamitin lamang ang inyong Digital National ID ayon sa itinakdang paraan.