04/10/2026
Magandang araw po sa ating mga taga-Paseo!
Simula po ngayon, bubuksan na natin ang ating isang gate at magkakaroon ng exclusive lane para sa mga residenteng may valid sticker. Ang kabilang lane naman po ay para sa ating mga bisita at mga residente na wala pang sticker.
Para po sa ating defaulting members, kayo na po ang mag-aangat ng boom gate tuwing papasok. Ang ating mga guwardya po ay hindi na maaaring mag-assist sa pag-angat nito, bilang pagsunod sa bagong protocol.
Hinihiling po namin na huwag nating personalin ang ating mga guwardya o sinumang nagpapatupad ng regulations. Sinusunod lamang po nila ang mga panuntunang ipinapatupad para sa ating subdivision.
Para naman po sa mga residenteng nakikiisa at patuloy na tumutupad sa kanilang buwanang obligations, humihingi po kami ng kaunting pasensya sa anumang abala na maaaring maidulot ng bagong gate protocol. Kailangan po natin itong gawin para sa safety, security, at patas na pagpapatupad ng rules sa lahat ng residente.
Mabigat po ang magiging gampanin ng ating security guards sa mga susunod na araw. Bigyan po natin sila ng kaunting pasensya at pang-unawa. Huwag po nating personalin ang mga paalala o pagpapatupad nila ng protocol.
Respetuhin po natin ang bagong sistema dahil ginagawa po natin ito para sa kaligtasan at kaayusan ng ating buong Paseo community. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa!