M Wise ₱inoy

M Wise ₱inoy Grow your Money. Guard your Grind. Budget like a Boss. Invest like a Pro.
(1)

January 11, 2026 na pala...Bilis ng Panahon... heheheKaya kung masagana ang buhay mo ngayon pag-aralan mong mabuti kung ...
11/01/2026

January 11, 2026 na pala...

Bilis ng Panahon... hehehe

Kaya kung masagana ang buhay mo ngayon pag-aralan mong mabuti kung pano mo i-maintain yan at i-manage ng tama kasi hindi sa lahat ng Pagkakataon puro biyaya, minsan may pagsubok rin...😉

Pano kung may work ka nga pero nagtangalan at nasama ka sa tinanggal?

Pano kung magkasakit ka? Alam mo naman na karamihan sa company " No Work, No Pay". DIba...

Pano kung tumanda ka na dyan sa work mo pero minimum wage ka lang? Hindi sasapat ang sahod mo sa taas ng mga bilihin at bills monthly.

Pano kung Business ka nga, pero hindi ka nag u-upgrade?

Ilan lang yan sa mga dapat mong i-consider...

Kaya kung kaya mo lang rin mag-ipon ng pera mula sa kita o sahod mo, gawin mo...👌

Para makagawa ka ng second source of income mo at i-build mo ng tama ang seguridad ng Pamilya mo,Future mo at Future nila.

Ipon na mabagal at maliit, ipon parin yanAlam mo, hindi naman kailangan laging malaki o mabilis ang ipon mo. Ang mahalag...
24/11/2025

Ipon na mabagal at maliit, ipon parin yan

Alam mo, hindi naman kailangan laging malaki o mabilis ang ipon mo. Ang mahalaga — nagsisimula ka.

Kasi slow saving is still saving...💰

May mga tao na iniisip, “Wala naman akong malaking sahod eh, maliit lang naman naiipon ko…”

Pero ang totoo — hindi yan nakabase sa bilis o swerte, kundi sa dedikasyon at consistency mo para sa pangarap mo sa future. L

Ang bawat maliit na halaga na tinatabi mo ngayon ay parang binhi (seeds). Hindi agad lalaki, pero darating din sa panahon na magbibigay ng bunga — kapayapaan, kalayaan, at seguridad sa sarili mong buhay.

Kaya kahit pa piso-piso, o kada sahod may konting naiipon — ituloy mo lang.

Dahil darating ang panahon, pasasalamatan ka ng future self mo.

‘Yung matandang ikaw — na hindi na kailangang magtrabaho para mabuhay,
dahil ‘yung batang ikaw, pinaghandaan siya.

Kaya kung feeling mo mabagal ang progress mo, huwag kang panghinaan ng loob. Ang mahalaga, gumagalaw ka.

✅Start small...
✅Stay consistent...
✅Grow steady...

Pag-usapan natin kung paano mo mapapalaki ang ipon mo, kahit mabagal — basta tuloy-tuloy.

Tara, kwentuhan tayo–Kuya Rence!
...

Kung nahihirapan na ang seniors, paano pa ang working-age ngayon?Alam mo, kung yung mga nakatatanda na ngayon ay nahihir...
21/11/2025

Kung nahihirapan na ang seniors, paano pa ang working-age ngayon?

Alam mo, kung yung mga nakatatanda na ngayon ay nahihirapan sa pag-handa para sa pag-retiro, ano naman ang magiging kalagayan ng mga nasa workforce ngayon — lalo na yung mga may hindi stable na trabaho, may “patchwork” na kita, at halos walang puwang pang mag-ipon para sa retirement?
May isinulat si Alana Semuels noong 2018 na nagsasabing:

“This Is What Life Without Retirement Savings Looks Like.” Federal Reserve Bank of St. Louis+2Pew Charitable Trusts+2

Ang mahirap:

Marami ang walang access o hindi nakakapag-ipon ng sapat para sa pag-retiro. Pew Charitable Trusts+1

Trabaho ay hindi garantisado, may shifts, informal economy, contract basis — ibig sabihin, mas mababa ang chance na makapag-ipon ng regular para sa pag-retiro.

Kapag ang pag-retiro ay hindi na “optional” kundi “necessary,” dapat may na-ipon na, may seguridad na — pero marami ang kulang.

Ano ang aral sa financial literacy dito?

Sad-to-say, hindi lang ito tungkol sa “kikita ba ako ngayon” — kundi “kikita ba ako bukas, at may naka-handa ba ako para sa bukas?”

Ang retirement savings ay parang insurance para sa sarili mo. Hindi mo lang siya ginagawa para sa mga easy days — para rin sa mga hindi inaasahan.

Kahit maliit lang ang kita mo ngayon, mahalagang magsimula ng ipon at investment ― dahil habang tumatagal, mas mahirap bumawi kapag wala itong ginawa.

“Stable” job o malaki ang kita ngayon, hindi garantiya na ok ang retirement mo kung walang planong savings, investment at protection.

Kaya kung gusto mong malaman kung paano mo maa‐ayos ang pag-ipon mo para sa retirement kahit hindi ganun kalaki ang kita mo ngayon.

Pag-usapan natin kung paano ka magsimula ngayon para hindi ka malagay sa sitwasyong “pag-retiro na, naghihirap pa rin.”

Tara, kwentuhan kayo–Kuya Rence!
...

Anong Income Level Ka Na Ba Ngayon?Real talk tayo...💬Lahat tayo, nagsisikap...Pero bakit parang hindi lahat umaasenso?Mi...
20/11/2025

Anong Income Level Ka Na Ba Ngayon?

Real talk tayo...💬
Lahat tayo, nagsisikap...
Pero bakit parang hindi lahat umaasenso?

Minsan kasi, hindi mo alam — may laro kang nilalaro… pero hindi mo alam kung paano manalo.

Ito ‘yung tinatawag na income game:

1️⃣ Poor (Below ₱10,957/month)

Survival mode para mabuhay...
“Basta may makain.” Araw-araw laban. Wala kang luxury ng “pahinga,” kasi kapag tumigil ka, gutom. Hindi dahil tamad ka, kundi dahil wala kang space para huminga.

2️⃣ Low Income (₱10,957–₱21,914)

May trabaho, pero kapos pa rin...
Isang sakit, isang delay sa sahod — balik sa utang. Laging pangarap ang “magkaroon ng extra,” pero bihirang mangyari.

Goal: “Makabayad ng utang, makapag-ipon kahit konti.”

3️⃣ Lower Middle Class (₱21,914–₱43,828)

Medyo stable...
May Netflix, minsan may savings. Pero isang emergency lang — back to zero. Ito ‘yung tinatawag na “comfort with strings attached.”
Mukhang okay, pero isang hakbang lang palayo sa problema.

4️⃣ Middle Class (₱43,828–₱76,669)

“Comfortable life...”
May bahay (loan), may kotse (loan), may trabaho (stress). 😅
Sasabihin nila, “Meron akong ipon,”
pero laging “baka gamitin next month.”
Hindi sila broke, pero hindi rin free.

5️⃣ Upper Middle Class (₱76,669–₱131,484)

Kaya nang mag-travel, makapag-aral ang anak sa private, pero trabaho pa rin ang buhay. Kung titigil sila, titigil din ang lifestyle.
Escaped survival, pero hindi pa rin nakalaya.

6️⃣ High Income (₱131,484–₱219,140)

Malaki ang kinikita — professionals, OFWs, entrepreneurs. Pero kahit ganito, ang reklamo pareho: “Ang laki ng gastos...”
Kasi habang tumataas ang kita, tumataas din ang lifestyle. They live better, pero di pa rin secure.

7️⃣ Rich (₱219,140 and above)

Iba ang laro nila...
Hindi sila nagtatrabaho para sa pera — pera na ang nagtatrabaho para sa kanila.
✅They buy assets, not liabilities.
✅They value time, not image.
At kung maubos man, alam nila kung paano ulit magtayo.

So, ano talaga ang pagitan ng bawat level?

🤔Hindi swerte..
🤔Hindi rin diploma..
😉Kundi mindset..

The poor say: “Basta makatawid.”
The middle class say: “Basta may matira.”
The rich say: “Paano ko ito mapaparami?”

Ang mahirap, takot sa risk.
Ang middle class, takot mawala ang comfort.
Ang mayaman, marunong mag-manage ng risk — at gawing asset.

"We were trained to chase stability, not freedom..."

Pero tandaan mo:
Hindi ka makaka-escape sa cycle sa pamamagitan ng hard work alone. Kailangan mong pagtrabahuhin ang pera mo, hindi lang ang sarili mo.

Kasi minsan, ang comfort na akala mong tagumpay… ‘yun pala ang pumipigil sa’yo para lumago.

Ask yourself today:

Are you working to survive, to look successful, or to be truly free?

Dahil ang tunay na freedom, hindi sa laki ng kita — kundi sa kapangyarihang mamili kung paano mo gustong mabuhay.

Kung gusto mong maintindihan kung nasaan ka ngayon sa income ladder — at kung paano ka makakaakyat dahan-dahan sa next level, tara pag-usapan natin kung paano magpalit ng money mindset, mag-invest nang matalino, at tuluyang makalaya sa middle-class trap.

Tara, kwentuhan tayo–Kuya Rence!
...

Hindi Masama ang PeraAlam mo ‘yung linyang, “Ang pera, ugat ng kasamaan?”Marami pa rin ang naniniwala d’yan — kaya hangg...
19/11/2025

Hindi Masama ang Pera

Alam mo ‘yung linyang, “Ang pera, ugat ng kasamaan?”

Marami pa rin ang naniniwala d’yan — kaya hanggang ngayon, takot pa ring pag-usapan ang pera. 😔

Pero real talk —
hindi masama ang pera at hindi rin mabuti.

Ang pera ay neutral...
Ang nagdadala ng mabuti o masama — ‘yung taong humahawak nito.

Bigyan mo ng pera ang masamang tao — lalaki ang kasamaan.

Pero bigyan mo ng pera ang mabuting tao —
mas marami siyang matutulungan, matutustusan, at mapapabuti.

Kaya kung iniisip mo na “masama ang gusto kong yumaman,” baka ‘yan mismo ang pumipigil sa’yo para umunlad.

Kasi sabi nga nila,
“You’ll never pursue something you secretly believe is evil.”

Ang kailangan natin baguhin ay mindset.
Hindi masama ang pera — ang masama ay ‘yung hindi marunong humawak ng pera.

Gamitin natin ang pera bilang tool — para sa pamilya, sa layunin, at sa mga taong gusto nating matulungan. Hindi para magyabang, kundi para magbigay.

At tandaan:
Wanting money ≠ Loving money...
Gusto lang natin ng pera para mapondohan ang buhay na gusto natin, para mabigyan ng ginhawa ang pamilya, at maipakita ang pagmamahal sa gawa, hindi lang sa salita.

Final Thought:
Kaya wag kang matakot maghangad ng pera.
Kung malinis ang hangarin mo — ang pera ay magiging blessing, hindi temptation.

Be confident...
Be wise...
Be guilt-free in wanting more — dahil mas marami kang pwedeng magawa para sa kabutihan.

Kaya kung gusto mong matutunan kung paano baguhin ang mindset mo tungkol sa pera at matutong palaguin ito nang may purpose, pag-uusapan kung paano gawing tool for good ang pera — hindi source ng guilt.

Tara, kwentuhan tayo–Kuya Rence!
...

Kaya ko ba yarn....😁...                         ゚viral  ゚
18/11/2025

Kaya ko ba yarn....😁
...

゚viral ゚

4 Money Mistakes Na Sana Hindi Mo Na GawinAlam mo kung ano ang masakit?Hindi ‘yung wala kang pera ngayon — kundi ‘yung m...
17/11/2025

4 Money Mistakes Na Sana Hindi Mo Na Gawin

Alam mo kung ano ang masakit?

Hindi ‘yung wala kang pera ngayon — kundi ‘yung may chance ka noon… pero pinabayaan mo... 💸🤦‍♂️

Kaya ngayon, real talk tayo:
Ito ang apat sa pinakamalalaking money mistakes na sana, hindi mo na maulit. 👇

1️⃣ Not investing at an early age
Kung may ₱500 ka noon kada buwan at ininvest mo, baka ngayon, meron ka nang libo-libo...

Pero anong ginawa mo?
Binili mo ng milk tea. 🧋
Minsan, okay lang mag-enjoy — pero sayang din, ‘di ba? Kasi time is the most powerful tool in investing.

The earlier you start, the bigger your freedom later...👌

2️⃣ Not building another income stream
Kung isa lang ang pinagmumulan ng pera mo,
isang “bad day” lang, ubos agad lahat.

Ang goal mo dapat: habang natutulog ka, may pera pa ring nagtatrabaho para sa’yo.

Pwedeng side hustle, small business, o investment — basta magdagdag ka ng daloy ng pera.

3️⃣ Not paying your debt early
Ang utang, parang alon — habang pinapatagal mo, lumalaki at lumalakas ang hampas.

Kung may extra ka, bayaran mo na. Hindi lang dahil gusto mong maging “debt-free,” kundi dahil gusto mong magkaroon ng peace of mind.

4️⃣ Not saving enough for retirement
Akala natin laging may oras pa. Pero darating ‘yung panahon na ayaw na ng katawan mo magtrabaho.

At pag dumating ‘yun, ang ipon at ivestment mo ngayon ang dapat susuporta sa’yo. Kaya habang may lakas, magtabi ka na.

Hindi para yumaman — kundi para hindi ka manghingi ng tulong pinansyal sa mga anak o kamag-anak mo sa huli.

💬 Final Thought:

Hindi mo kailangan maging perfect sa pera — pero kailangan mong maging aware. Dahil bawat desisyong ginagawa mo ngayon,
may epekto sa ‘yo five, ten, twenty years from now...😉

Kung gusto mong matutunan kung paano iwasan ‘tong mga pagkakamali at ayusin ang financial habits mo step-by-step — Pag-usapan natin kung paano mag-ipon nang may direksyon, mag-invest nang may purpose, at mabuhay nang may peace of mind. 💰✨

Tara, kwentuhan tayo–Kuya Rence!
...

Take your money seriouslyManiwala ka kaibigan, dati simple lang mindset ko sa pera:Kapag may extra, enjoyin natin!..Trav...
15/11/2025

Take your money seriously

Maniwala ka kaibigan, dati simple lang mindset ko sa pera:

Kapag may extra, enjoyin natin!..
Travel dito, kape doon, online shopping 😁...

Deserve ko naman, ‘di ba?
Pero isang emergency lang, lahat ng “deserve ko” — biglang naging utang ko...🤦‍♂️

Na-ospital kami. Bill? ₱200,000 😭
At alam mo kung saan ko kinuha ‘yung pambayad?

SA UTANG!
Sa kahit kanino puwedeng mautangan...

Doon ako natauhan...
Hindi pala pera ang problema ko…
kundi mindset ko sa pera...

❌Wala akong safety net..
❌Walang health card...
❌Walang ipon...
❌Walang proteksyon kahit ilang taon na akong nagtatrabaho...

Ngayon, iba na.
✅May maliit kaming health fund,
✅konting emergency savings,
✅at simpleng insurance plan — kahit hindi pa malaki.

Simple lang buhay namin ngayon, pero payapa ang puso ko. Kasi kung may biglang mangyari ulit, handa na kami. 🙏

Kaya kung kumikita ka ngayon…
please, take your money seriously...💪

Hindi mo kailangang maging milyonaryo para maging handa. Ang kailangan mo lang — disiplina at konting sakripisyo.

Magtiis ka ng kaunti ngayon,
para hindi maghirap ang pamilya mo bukas.
Don’t just earn to spend... Earn to stand strong.

💪Para sa sarili mo.
💪Para sa pamilya mo.
💪Para sa kapayapaan mo.

Dahil ang tunay na financial peace, hindi tungkol sa dami ng pera — kundi sa kapanatagan na kahit anong mangyari… handa ka.

Kaya kung gusto mong matutunan kung paano magsimulang maging financially ready kahit maliit pa kita mo —

Tara, kwentuhan tayo–Kuya Rence!
...

Don’t Depend on Just One Income”Sabi nga nila,“Never depend on a single income. Make investments to create a second sour...
14/11/2025

Don’t Depend on Just One Income”

Sabi nga nila,

“Never depend on a single income. Make investments to create a second source.”

At totoo ‘yan.
Kasi kung isa lang ang pinagmumulan ng pera mo — isang problema lang, pwede nang mawala lahat. 😔

Isipin mo: kung mawalan ka ng trabaho, magkasakit, o bumaba ang sales

— saan ka huhugot?

Diyan mo maiintindihan na ang investing ay hindi lang para sa mayayaman. Ito ay para sa matatalino — sa mga taong gustong maging handa at protektado.

Hindi mo kailangang magsimula ng malaki.
Pwede mong simulan sa maliit —

✅side hustle,
✅small business,
✅o kahit mutual fund,
✅o savings investment

Ang mahalaga, nagsisimula ka. Kasi habang natutulog ka, dapat may pera pa ring gumigising at nagtatrabaho para sa’yo.

Gusto mong matutunan kung paano gawin ang second income stream kahit maliit pa lang ang puhunan mo?

Tara, kwentuhan tayo–Kuya Rence!
...

Hindi Lahat ng Sale, Nakakatipid..Alam mo ‘yung feeling na “nakatipid ako kasi naka-sale!”Pero sa totoo lang… gumastos k...
13/11/2025

Hindi Lahat ng Sale, Nakakatipid..

Alam mo ‘yung feeling na “nakatipid ako kasi naka-sale!”

Pero sa totoo lang… gumastos ka pa rin. 😅

Ang pagbili ng mga bagay na hindi mo naman kailangan ay senyales na hindi mo pa lubos na naiintindihan ang financial literacy.

Kasi kahit naka-50% off pa ‘yan — kung hindi mo naman kailangan, ibig sabihin lumabas pa rin ang pera mo nang walang balik.

Ang tunay na nakatipid ay hindi ‘yung maraming nabili sa sale, kundi ‘yung marunong pumili kung kailan at saan dapat gumastos.

Kung need mo talaga, okay lang. Pero kung “gusto lang,” tapos wala ka pang emergency fund o ipon — ibig sabihin, binibili mo lang ang panandaliang saya kapalit ng pangmatagalang kaginhawahan pagtanda mo.

Kaya tandaan:
✅ Needs before wants...
✅ Savings before spending...
✅ Surplus money bago luho....

Gusto mong matutunan kung paano pigilan ang impulsive spending at ayusin ang sistema ng pag-iipon mo?

Tara, kwentuhan tayo–Kuya Rence!
Dito natin pag-uusapan kung paano maging “masinop pero hindi kuripot,” at “magastos pero may direksyon.”
...

Address

San Rafael

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when M Wise ₱inoy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to M Wise ₱inoy:

Share