01/08/2019
Ang simula ng ng katuparan ng pangarap.
Uukit sa kasaysayan ng ating bayan ang araw na ito dahil matagumpay nang naisagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa itatayong Bulacan State University - San Rafael Campus.
Pinangunahan ito ng magkatuwang sa paglilingkod at sa proyektong ito na sina Congresswoman Tita Lorna Silverio at Mayor Cipriano D. Violago, Jr. kasama sina Vice Mayor Edison Veneracion at mga Kagawad ng Sangguniang Bayan.
Kasama rin sa programang ito ang President ng Bulacan State University na si Dr. Cecilia Gascon at ang kanilang Assistant Vice President na si Dr. Teody San Andres, Sir Jeffrey Nisnisan na Vice President ng Filinvest Land Inc.
Nakiisa rin sa seremonya si PNP Bulacan Provincial Director Col. Chito Bersaluna, mga Head Teachers ng Carlos F. Gonzales High School sa pangunguna ni Maam Lourdes Valondo, mga Punong Barangay, mga Pinuno at Kawani ng Pamahalaang Bayan, at iba pang mga panauhin.
Inanunsyo rin ni Mayor Goto na magkakaroon din dito ng Extension Campus ng Carlos F. Gonzales High School, ng isang Police Community Precinct, at Extension Office ng Bureau of Fire Protection.
Ang magiging lokasyon ng BSU-San Rafael ay sa Brgy. San Roque Section ng Bypass Road upang maging accessible ito sa mga karating bayan natin sa 2nd at 3rd District.