08/12/2019
Para sa mga online sellers na kagaya ko,😊😊 mababa man ang tingin nila sayo dahil ultimo payong binebenta mo. Naging tindahan man ang facebook mo, pagkain,make up,sapatos, damit,bigas,unan,furnitures o household supplies man ang laman nito. Heads up! Marangal kang naghahanap-buhay ng walang tinatapakang tao.
Naging kargador at delivery girl or delivery boy ka man. Hindi nakakahiya ito.
Isa kang nanay or single mom na may bitbit na anak habang kumukuha ng pa-order mo tuwing supplier's day? Hindi iniinda ang bigat kasi online seller ka, binubuhay mo ang anak mo. Kaya mo yan!
Estudyante ka na nagtatyaga bumyahe araw-araw kahit sa paisa-isang order ng mga classmate mo? Nag uumpisa lahat sa maliit kapit ka lang kasi online seller ka.
Lalaki ka na nagbebenta ng mga pambabaeng gamit?
Kahit make up pinost mo na wag ka mahiya dahil online seller ka,hindi ka mababa..Gusto ko lang sabihin na nakaka proud ka!
Hindi biro maging kagaya mo!
Online seller ka na araw-araw may nakakausap na ibat ibang uri ng tao. May demanding,buraot, kuripot at budol 😂
May bogus, at may buyer na halos hingiin nalang ang produktong binebenta mo knowing na maliit lang ang tubo mo at minsan ka narin nabiktima ng scammer, madalas to sa mga nagsisimula palang.. I know the feeling 😭
Pero online seller ka, experience is the best teacher. Nangyari man sayo pero manindigan kang huwag gawin sa iba. Pangalagaan mo ang pangalan ng ibang online seller.
Huwag kang titigil, araw araw isipin mo yung vision mo, stop for a minute and dream before you start the day 😍 Post without hesitation na walang bibili? If they see your willingness at pinagbubutihan mo ang work mo... impossible na wala. God is with you!
You are an online seller! Nandito sa field na to ang pinaka madidiskarteng tao na nakilala ko!
Ang pinaka masisipag na tao, at pinaka matatapang na negosyante!
Ang pinaka trustworthy sa lahat, dahil sa larangan na to, tiwala ang unang ibibigay mo 😙
Nakaka proud ka! 😍
At soon lahat ng pangarap mo matutupad mo.
From online to your own physical store! Trust in God's Timing...
Online seller ka, if they look down on you, show them your pocket 😂
Joke lang.. Stay humble tayo, we know naman how much we earn.
Dont brag, just let them see your fruits 😍
And dont forget to help one another lalo na mga bago palang 😊
kaya pag tinanong ka ano trabaho mo? Online seller ako! Habang tulog ako may kinikita ako, habang nasa bahay ako may customer ako. Online seller ako, wala akong boss 😊
And soon hindi niyo na kami mamaliitin 😉
Godbless you!
❣️🙌
💖 ccto 😊😊😊