24/08/2026
AVAILABLE NA ULIT ANG DICT FREE WI-FI FOR ALL SA MUNICIPAL COMPOUND NG SAN TEODORO
Noong August 12, 2026, nagsagawa ng courtesy call sa Municipal Government of San Teodoro si Sir Lan Karlo Faina, Procurement Management Officer I at Free WiFi for All Provincial Focal ng DICT, kasabay ng Acceptance Testing para sa Free Wi-Fi for All Site sa Barangay Caagutayan.
Ngayong August 24, 2026, isinagawa naman ang Acceptance Testing sa Municipal Compound ng San Teodoro, bilang bahagi ng pagpapatuloy ng programa upang mapalawak ang access sa libreng internet connectivity sa komunidad.
Sa courtesy call, napag-usapan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maaasahan at libreng internet connection sa lugar, na makatutulong sa mga residente at sa mga gumagamit ng serbisyo ng munisipyo.
Maraming salamat sa DICT sa patuloy na suporta at serbisyong naglalapit ng teknolohiya at konektibidad sa ating mga Teodorean.