01/10/2026
May mga pagkakataon talagang kailangan nating paalalahanan ang bawat isa na ang serbisyo ay may proseso, at ang responsibilidad ay may pinagmulan.
Kung sa ibang opisina ipinagawa ang isang trabaho, at kalaunan ay nagkaroon ito ng problema, marahil ay tama lamang na doon muna ito ibalik at doon humingi ng solusyon.
Hindi po kami tumatangging tumulong. In fact, kapag kaya naming makatulong, ginagawa namin ito nang maayos at buong respeto. Pero ang pagtulong ay hindi nangangahulugang maaari na ring ipasa sa amin ang responsibilidad para sa trabahong hindi naman namin ginawa, hindi namin sinimulan, at hindi ipinagkatiwala sa amin noong una.
Kung may ibang opisina na unang piniling pagpagawaan, sana ay bigyan din sila ng pagkakataong panindigan at ayusin ang serbisyong kanilang tinanggap. Hindi po sana iyong kapag naging mahirap na ang problema, kapag hindi na kayang ayusin, o kapag kailangan na ng mas maayos na solusyon...saka lamang kami maaalala. 😊
Opo, kaya namin.
Kaya naming gumawa. Kaya naming mag-ayos. Kaya naming tumulong.
Pero hindi lahat ng bagay ay kailangang akuin namin, lalo na ang pagkakamaling hindi naman namin ginawa.
May pagkakaiba po ang “kayang ayusin” sa “responsibilidad naming ayusin.”
At sana, matutunan nating igalang ang pagkakaibang iyon.
Hindi rin naman namin ipinagkakait ang tulong. Ang hinihiling lang namin ay tamang proseso, tamang respeto, at tamang pakikitungo.
Kung saan unang ipinagawa, doon muna ibalik. Kung sino ang gumawa, sila muna ang bigyan ng pagkakataong itama. At kung sakaling kailanganin talaga ng aming tulong, pwede naman kami lapitan ng maayos...kung pasok naman ito sa aming serbisyo at responsibilidad.
Dahil ang pagiging professional ay hindi lang tungkol sa kung ano ang kaya nating gawin.
Kasama rin dito ang pag-alam kung alin ang dapat nating panagutan at alin ang hindi.
Respeto sa bawat negosyo.
Respeto sa bawat proseso.
At higit sa lahat, respeto sa trabahong pinili at pinagkatiwalaan ninyo sa simula pa lamang.
Hindi po kami umaayaw tumulong. Marunong lang din po kaming magtakda ng hangganan. 😉
Maraming salamat po sa pag-unawa. 🙂