20/06/2019
Bakit Pre-Selling? Anung advantage ng pagkuha ng Pre-Selling?
Pre-Selling ay ang pag aadvertise o benta ng bahay na hindi pa naitatayo.
3 advantages pag BUMILI KA NG PRE-SELLING:
1. MURA - Sa pre-selling, mura pa ang bahay dahil sa discounted price nito, wala padin itong patong ng kung anu anung fee, di kagaya ng pag may nakatayo na, na mataas na presyo dahil sa mga construction fees na pinapatong dito.
2. IKAW PIPILI NG PWESTO MO - Sa pre-selling, pag kumuha ka, ikaw ang unang pipili sa mapa ng pwesto na gusto mo. Makakapili ka sa bukana, sa bungad o sa dulo. Kahit saan mo gusto, ikaw ang bahala.
3. INVESTMENT - Kagaya ng nasabi sa Una, MURA, kung kukuha ka habang mura pa, pagtagal ng panahon ay tataas din ang presyo nito. Madadagdagan ito ng kung anu anung fees o charges. Habang tumatagal din ay tumataas ang halaga ng lupa, kaya sadyang naaapektuhan din ang presyo ng bahay. Pwede mo itong paupahan o pagbili kung sakali namang ito'y di mo na nais tirhan.
Sa Pre-Selling, Siguradong PANALO ka.